Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

YABAG

By: Chinita

1yr old iyon anak ko noong nangyari sa bahay ng Ate ng asawa ko. Galing Siyang Japan mag-stay siya dito sa Pinas kasi nabuntis siya ng hapon. Nangupahan siya at gustong-gusto niya kasi ang anak ko.

May second floor ang bahay niya, so doon kami lagi natutluog halos doon na kami pinatitira para may kasama siya. Nagkasakit ang anak ko halos 1month iyon doon kami nag stay sa bahay ni Ate Vina.

Isang araw dumating iyon point na sobrang pagod ko natulog kami ng maaga ng anak ko nagising na lang ako na katabi ko na ang asawa ko na tulog na tulog na din mga 2am na. Naiihi ako pero talagang takot ako mag-isa sa bahay na iyon kasi iba na talaga ang pakiramdam ko noong pagpasok ko pa lang sa bahay na iyon.

Sa baba lang may c.r, ihing ihi na talaga ako hindi ko na kaya biglang may narinig ako naglalaro na bola kaya ang alam ko may tao sa baba dali-dali akong bumaba at umihi. Pagsara ko ng pinto ng c.r narinig ko na my akyat panaog sa hagdan kaya gumaan pakiramdam ko sabi ko may gising pa.

Kaya pagtapos ko mag c.r paglabas ko nakita ko sala off na ang ilaw tanging c.r lang ang maliwanag na binuksan ko kaya maliwanag. Kaya pag-akyat ko tinabihan ko ang baby ko.

Paghiga ko naisip ko sino naman ang maglalaro ng bola eh, wala naman bola sa bahay na iyon at sino iyon umaakyat panaog sa hagdan eh wala naman tao. Iyon kwarto na katabi namin iyon yung kuwarto ng Ate ng Asawa ko sarado na kaya naisip tulog na.

Kinabahan ako kaya nagtalukbong ako. Hanggng sa nagsimula na naman may yabag na naman sa hagdan akyat baba na sobrang bigat ng mga paa kaya hindi na ako nakatulog tumigil na lang iyon yabag sa hagdan mga 4am na kaya naktulog na ako.

Pagkain namin nang almusal nagkwentuhan kami na halos lahat pala kami nakakaramdam ng kakaiba sa bahay na iyon. Minsan isang gabi naiwan kaming dalawa ng baby ko sa sala namalengke si Ate Vina at nagdrive ang asawa ko.

Nagulat na lang ako iyon pinto sa sala gumagalaw iyon tipong umuntog-untog iyon door knob sa pader kaya talagang mapapansin mo na gumagalaw.

Talagang shock ako nilingon ko kasi malapit lang iyon pinto sa kinauupuan ko biglang namatay iyon tv at ilaw ginawa ko kinuha ko baby ko at tumakbo sa labas hanggang sa dumating na iyon mga namalengke hindi ko na lang kinuwento kasi baka hindi sila maniwala.

Sumunod mga araw hindi pa rin magaling baby ko stress na ako puyat tapos aawayin pa ako asawa ko kasi pinapabayaan ko daw baby namin. Halos sobrang payat ko na nga sa pagaalaga sasabihan mo ako mg ganiyan.

Galit na galit ako buong araw hindi ko kinausap ang asawa ko kaya ginawa ko nagkulong ako sa kwarto sa 2ndfloor. Naring ko na lang na dumating mga kapatid at mga asawa ng kapatid ng Ate ng asawa ko kaya lalong hindi na ako bumaba dahil lalo lang ako mapapagod.

Sa sobrang sama ng loob ko at pagod pagdating ng 7pm nakatulog na ako. Nanaginip ako sa panaginip ko nakita ko ang Papa ko na matagal ng nasa langit at sabi ko sa panaginip ko, “Papa, tulong!” paulit-ulit.

Pag-gsing ko may nakahawak sa akin sa mga kamay ko kabilaan asawa ko at kapatid ng asawa ko naninigas daw ako at sigaw ng sigaw na hindi maintndihan para daw akong sinasaniban.

Sabi ko anong nangyari bakit ang daming nakahawak sa akin pati sa paa ko may nakahawak sabi nila naninigas daw ako na ang lakas ko at sigaw ako ng sigaw. Pag-kapa ko sa ilong ko nagdudugo at hinang-hina.

Bigla ko nakapa yun kuwintas ko na may pendant na silver na krus naiisip ko iyon pagod at galit na naramdaman ko may gustong sumanib sa akin pero hindi ako pinabayaan ni Lord.

Naalala ko din na hindi na ako nakakapagsimba at dasal. Pero sabi ng may-ari ng bahay na inuupahan nang Ate ng asawa ko meron daw talaga nakatira na mga kaluluwa sa bahay na iyon.

May namatay daw doon mismo sa c.r gumuho daw dati iyon noong minsan malakas na ulan tapos iyon ginagawa na bahay na iyon natutulog doon iyon trabahador noong gumuho natabunan kaya namatay.

Minsan naman sabi ng kapit-bahay hindi daw sila nakatulog ng magdamag kasi iyak daw ng iyak iyon baby ko pero iyon araw na iyon wala kami sa bahay ng Ate ng Asawa ko umuwi kami at walang ibang baby dun kundi kami lang ng asawa ko.

Sabi nila mag-damag daw may umiiyak na baby kaya takang-taka kami sabi din nila napakalakas daw ng iyak.

Hanggang lumipas iyon isang buwan nawala na iyon sakit ng anak ko iyon mga rashes niya nagbalat-balat ng parang ahas gumaling noong pinatawas namin.

Iyon lang po sana magustuhan niyo kuwento ko.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar