Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / Wedding Dress

Wedding Dress

By: Paw

Ako nga pala si Paw probinsya namin sa Siquijor. Dito nagsimula ang nakakatakot na istorya ko!!

19 years old ako noon pista sa aming Baryo.  Nagpasyahan naming magkabarkada na mag-inuman kaya iyon. Bumili ng isang case ng beer at dalawang kaha ng sigarilyo.

Masaya kami noon tapos sabi na na ng Kapitan na alas 3:00am na lang daw iyong Disco kasi may misa pa bukas. Kaya iyon tinigil ang Disco. Tapos napagpasyahan naming barkada na mag-uwian na.

May motor naman ako kaya iyon nag-motor kami lahat pauwe. Sinabihan ko sila na mag-ibaiba na tayo ng direksyon kasi malayo pa sa amin.

Hindi naman malakas ang pagpapatakbo ko sa motor ko kasi takot ako madisgrasya  espaltado daan noon kaya habang nakatanaw ako sa kalsada may naaninag akong babae kumakaway sa akin.

Sa isipan ko siguro makikisakay kaya habang papalapit ako sa naaninag ko biglang nawala ang babae na naka-pangkasal na damit. Kaya noon kinabahan na ako at nilingon-lingon ko kung andoon ba pero wala kaya iyon dahil sa takot ko inistart ko agad motor ko humarorot talaga ako.

At pagtingin ko sa sidemirror nang motor ko nandoon ang babae sa likod blangko ang mukha. Hindi ko talaga alam ang gagawin sa oras na iyon naka-tiyempo ako tumalon ako sa motor.

Nagkapasa-pasa ang tuhod ko at mukha at ang babae andoon pa din nakatayo pa din sa harapan ko. Nagdasal na lang ako ng nagdasal. Hanggang sa may bumusina sa akin si Jun.

Tinulungan niya ako iyak ako ng iyak noon para akong bata na umiiyak . At kinabukasan sinabi ko sa mga kaibigan ko. At naniwala naman sila meron daw ikakasal na babae doon na nagpabanga sa motor at nasalpok ang ulo sa kabatuhan.

Kaya ngayon pag-dumadaann ako doon sa daan na iyon makikita ko pa din ang babae na kumakaway.  At dapat magdasal palagi para tutulongan tayo ni God!

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar