Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

TIKTIK

By: JP Desales Trono

Sabi nina Mama, sanggol pa lang ako ay may gusto nang kumuha sa akin. Hindi nila alam kung bakit. Kikuwento ko na lang sa inyo kung pano nila ako pinuprotektahan.

Baby palang ako (1-3months old ) noon, gabi na at tulog na ako pero nasa loob pako ng duyan na nasa sala. Habang sina Mama ay kumakain sa kusina. Ilang minuto pagkatapos nilang kumain ay pinuntahan ako ni Lola.

Pero pagdating niya doon ay may nakita siyang parang sinulid na lumulutang sa ere papunta sa duyan kung nasan ako. Galing ito sa bubong ng bahay (Wala pa kasi kaming kisame ).

Tapos gumapang papunta sa akin. Tinawag niya agad sina Mama para ipakita ang nakita niya. Alam daw nila kung ano iyon. Dila daw iyon ng “tiktik “. Kaya hindi sila nag ingay at kumuha si Lola ng gunting tapos dahan dahang pumunta sa duyan at agad na pinutol ang dila na parang sinulid.

Ganoon kanipis. Pagkatapos niyang guntingin ay may biglang sumigaw sa taas ng bubong. Kumalampang ang bubong at tila may malaking ibon na lumipad papalayo.

Doon nila nakumpirma na tama ang hinala nila. Inaaswang na pala ako. Ayon binantayan nila ako sa sala. Pero maya-maya ay pumunta si Nanay (kapatid ni Lola ) sa kusina para maghugas ng pinggan na pinagkainan nila. Pero maya-maya pa ay sumigaw siya at sinaboy ang tubig sa may bintana ng lababo.

Sigaw siya ng sigaw kaya pinuntahan siya ni Lola para malaman kung anong nangyari. Iyon pala may nakita siyang pulang mata na sumisilip sa bintana. Kasinlaki daw ng marble. Kinagabihan ay binabangongot si Nanay.

Bukambibig niya “aswang”. May aswang daw sa taas ng bubong. Ginigising siya nina Mama pero ayaw niyang magising. Hanggang sa magising siya at sumigaw ng “aswang “. Tapos biglang may kumalampag sa bubong namin.

Tila may malaking nilalang na nalaglag. Nang mahimasnasan si Nanay ay sinabi niyang nanaginip daw siyang may aswang sa bubong namin at gusto daw akong kunin.

Ilang buwan pa ang lumipas ay binawian ng buhay si Lola (hindi man lang niya ako nakitang lumaki). Habang binuburol siya sa bahay ay doon naman kami ni Papa sa bahay ng great grandparents ko (buhay pa sila noong time na iyon.

At to tell you honestly, kakamatay lang ni Lola great grandmother ko last December 2016 at the age of 92.). Kaming dalawa lang nandoon dahil nasa burol ang lahat. Habang natutulog si Papa ay nanaginip siyang may matandang lalaki daw na pumasok sa bahay para kunin ako.

Dahil ayaw ni Papa na makuha ako ay tinali niya ko sa bewang niya gamit ang lampin at nakipagsuntukan siya sa matanda. Sigaw pa siya ng sigaw na hindi niya hahayaang makuha ako ng matanda.

Hanggang sa lumabas na ang matanda pero sigaw parin ng sigaw si Papa at nanununtok. Ang hindi alam ni Papa ay iyong akala niyang panaginip lang ay totoo pala.

Narinig siya nina mama kaya pinuntahan agad kami baka kung ano na ngang nangyari. Pagdating nina Mama ay nakita nilang nakapikit na sumisigaw si Papa at suntok ng suntok sa hangin habang nakatali ako sa bewang niya. Pinapakalma siya nila ni Mama pero ayaw niyang kumalma. Kaya sinampal na lang siya ni Mama para magising ng tuluyan. Pagmulat niya ay pulang pula ng mata niya. Siguro sa galit. At hinahanap niya iyong matanda.

Noong nag-1year na ako. Hating gabi nang magising si Mama dahil parang may nakatitig daw sa kanya. Nilibot niya agad ang paningin niya at napunta agad ito sa bintana.

Doon niya nakita ang mata na kulay pula na nakipagtitigan sa kanya. Gusto niyang sumigaw pero walang salita na lumalabas sa bibig niya. Ginigising niya si Papa pero ayaw magising.

Takot na takot siya dahil hindi pa din nawawala ang pulang mata. Alam niyang ako na naman ang pakay noon. Kaya ang ginawa niya ay dinapaan niya ako. Pero hindi naman ako nadaganan. Bale ikinover niya lang iyong katawan niya sa akin. Para siguradong hindi ako makuha.

Hindi namin alam kung bakit gustong gusto ako kunin ng mga iyon. Kaya ganoon na lang ang protekta sa akin ng pamilya ko. Hanggang ngayon. Over protective na nga eh. Pero iyong nakita ni Papa na matanda, buhay pa rin.

Pero sa tuwing dumadaan ako sa bahay nila ay lagi siyang nakatitig sa akin. Pero pinabayaan ko lang. Wala namang ginagawang masama.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar