Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
Home / Sanib

Sanib

img

By: Yhang

Hello! Ako si  Yhang. Gusto ko lang din ishare iyong nangyari sa akin 3yrs ago na iyong Lola ko ay mang-gagamot. Marami ang lumalapit sa kanya magpphilot tawas kung anu-ano pa.

Isang araw may babae na pumunta sa amin 6pm na so madilim na at sinabi niya na may sakit daw iyong anak niya. Tiningnan ko iyong bata mga 5yrsold lang lalaki masigla naman ito saka mukhang malusog at habang kumakain ng tinapay at panay ngiti pa nga pagkinakausap.

Pero noong time na iyon parang napa-kabigat ng bahay namin iyong feeling na may ilaw pero parang ang dilim. Ayon na nga nagsimula ang gamutan kung anu-ano ginagawa ng Lola ko basta hindi na ako nkikialam.

Narinig ko na lang na sinasaniban daw iyong bata ng demonyo. Natawa ako, oo npangiti ako kasi.. Una pa lng hindi talaga ako naniniwla sa mga tawas-tawas o kahit anong albularyo.

Noong nakatira kasi ko sa Lola ko parang wala akong pakialam sa mga nagyayari sa bahay. At ok na ako na lagi may cp na hawak at kahit kailan wala pa ako nakikita tulad ng mga engkanto o kahit anong nilalang na makababalaghan o nangyari kaya hindi tlaga ako naniniwala pero ng bago lahat iyon.

Sinabi ng Lola ko na doon daw muna sila hanggang mag-umaga. Dahil hindi daw puwede lumabas iyong bata ng ganoong oras. Ayon na nga nagising ako ng mga 1am na ng madaling araw sa sobrang init at ingay na nririnig na nalimpungatan ako.

Ginawa ko nag-c.r na lang at hindi ko pinapahalata na inis n inis ako sa ingay nila at naupo sa bangko at nakinig na lang sakanila. Sinasabi ng Lola ko iyong mga mangyayari at gagawin hanggang tumayo iyong bata habang umiiyak naninigas ang mga katawan nito.

At iyong paa niya magkaharap habang nakatayo pero parang wala pa rin sa akin iyon. Pero ng hinawakan ito ng Nanay niya at Tatay. Nagsasalita iyong bata ng parang Intsik paulit-ulit. Sabi ng Lola ko bitawan daw, binitawan nila umupo ito sa bangko na katabi ng halaman malapit sa pintuan. At dumakot ito ng bato at lupa sabay subo bigla at agad naman na tinanggal ng Papa niya at inalis sa kamay at sa bibig.

Nagsasalita pa rin ito ng hindi maintindihan paikot-ikot sa loob ng bahay at sinusundan lang ng biglang may bumato sa bubong at pinto namin. Kinagulat talaga namin lahat nakita bigla na lang nagiiyak iyong bata tapos tinuturo niya na iyong nasa kisame namin ginamit ng Lola ko ng pang-bendita iyong palaspas at rosario.

Habang nagdadasal sumuka na ng dugo iyong bata at tumigil ito sa pag-iyak. Inabot na kami ng liwanag at parang wala pa rin sa akin kasi hindi ko naman nakikita talaga iyong sumanib hanggang sa naka-alis na iyong mag-anak. Isang buwan makalipas nasunog ang bahay namin namatay ang pinsan ko na lalaki na kasama namin sa bahay.

Sinaksak sa harap ng pintuan namin at hindi nagtagal nasunog ang bahay namin. At simula ng mga nangyari hindi na ako nakakatulog kung anu-ano na naririnig ko. May lalaki rin akong nakikita sa panginip ko na tumatawa. Matapos din ang taon na iyon namatay ang Lola ko dahil sa atake sa puso.

Doon ako sa Ate ko tumira gabi-gabi para akong baliw sigaw ng sigaw naninigas ang katawan nakakkarinig ng kadenang hinahampas sa semento. At nakikita ko sa harapan ng higaan ko ang lalaking puro sugat ang mukha na nakatawa. Hanggang sa dinala ako sa Mental alam ko iyon sobrang galit ko sa kanila dahil hindi sila naniniwala sa akin pero nilakasan ko loob ko.

Sinabe ko sa sarili ko na hindi ako baliw dumami rin ang sugat-sugat sa katawan ko na parang galis na kagat ng mga insekto. Ginawa ko huminge ako ng rosario sa Tita ko at nililinis ko sarili ko para ipakita sa kanila na hindi ako baliw. Hindi ko pinansin lahat ng mga nakikita, naririnig at kung anu-ano pa.

Kinabisado ko iyong mga dasal na basic lang na hindi ko ginagawa dati. Nanonood rin ako lagi ng The 700 Club Asia. At sinasabayan lahat ng dasal hanggang sa tuloy-tuloy na nawala iyong mga nangyayari sa akin.

Thanks kay God kasi iniligtas niya ako sa demonyo na nang gulo sa akin.

This div height required for enabling the sticky sidebar