Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

SALA

Meron po akong story hope po magustuhan niyo. Ako po si Kristen nangyari po sa akin ito this April ! 11:45 pm sa bahay po namin. Kinaugaliaan ko na pong magpuyat kakapanood ng horror movies atsaka kung ano-ano pa po basta na kakatakot na palabas.

Sakto po nanood ako ng sadako noong umpisa hindi pa ako kinikilabutan wala pang masyadong nakakatakot then hanggang natapos na po iyon wala po nangyaring kakaiba. Pinatay ko na po iyon DVD tsaka iyong TV para matulog na kasi ako na lang magisa ang gising sa bahay.

At sobrang tahimik na sa labas kaya natulog na ako, sa Sala ako natutulog kasi hindi ako sanay sa kuwarto ko dahil nga sobrang daming naninirahan sa kuwarto ko nakikita ko sila bata pa ako. Kaya sa Sala na lang ako natutulog.

Well iyon na nga paparating pa lang tulog ko ng biglang may nagsabunot sa akin sobrang sakit noong sabunot sa akin. Tiningnan ko naman kung sino kasi baka iyong kapatid ko na naman nag-titrip baka hindi pa tulog.

Pagtingin ko wala, ako lang mag isa sa Sala. Back to sleep again nakatulog na ako biglang lumamig as in sobrang lamig pero patay iyong blower namin then sarado iyong pinto at bintana sa Sala nag-kumot ako kasi kinakabahan na ako. Inignore ko ulit first time nangyari sa buhay ko iyon kahit nakakakita na ako noon pa.

Ayon tulog ulit ako antok na kasi talaga ako. Mga past 12 midnight na siguro iyon may kumakalabog, doon na ako sobrang natakot then after a minute huminto iyon kaya natulog ulit ako nag-tataka ako kasi hindi man lang nagising mga kasama ko sa bahay ang ingay noon.

Iyon nga habang nahihimbing na ako natulog biglang bumukas kung TV namin then sobrang lakas ng volume 100 na yata iyon wala ng istasyon wala ng mga show doon, ako sobrang napasigaw.

Nagising sila Lola ko pumunta kung saan ako bigla naman namatay iyong TV then tiningnan ko kung nakasaksak iyong outlet. I remember inalis ko pagkasaksak noon.

Ang sobra kong kinabigla hindi nakasaksak then tinanong ko sila Lola kung narinig ba nila iyong mga ingay na naririnig ko sabi wala sobra daw tahimik kaya simula noong April 1 hindi na ako natutulog sa sala namin.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar