Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / Puno ng Sampalok

Puno ng Sampalok

By: Noemi

February last year lumipat kami ng bahay. Iyong kinatatayuan ng bahay namin silong mismo ng malaking puno ng sampalok. Dahil kapitbahay namin iyong Lolo ko naikuwento niya na may nakatira daw na kapre sa puno ng sampalok.

March 1 last year 2:00 am ng madaling araw bigla akong nagising. Noong pagharap ko sa anak ko para yakapin ko siya wala iyong anak ko sa tabi ko. Bumangon na ako bigla naiiyak na ako noong time na iyon hinanap ko siya sa bahay namin pero wala.

Noong puntong iyon ginising ko na iyong Lolo at Lola ko umiiyak na ako noon kung anu-anong salita na ang naririnig ko sa Lolo ko. Pati mga pinsan ko ginising ko na.

Hindi na ako mapakali noon tapos iyong Lola ko pumunta sa bahay namin ako naman umiiyak na ako sa labas na parang mababaliw na ako.

Makalipas ang isang oras tinatawag na kami ng Lola ko lahat kami pumasok sa bahay ko. Nabigla kaming lahat ng makita ko iyong anak ko na ang sarap ng tulog tapos naka kumot pa.

Kinabukasan, tinanong ko iyong anak ko:

Ako: Anak saan ka nagpunta kagabi?

Siya: ( Bigla niya tinuro yung puno ng sampalok ) Diyan Mama sa taas.

Sobrang kinilabotan ako ng time na iyon. Hanggang ngayon marami pa ring nagpaparamdam at nagpapakita sa amin dito ng asawa ko pero binabalewala na lng namin dahil normal na lang sa amin iyon.

P.S: Noong time na nangyari iyon wala iyong asawa ko nasa Baguio kaya kami lang ng anak ko ang nasa bahay.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar