Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / PARAMDAM NI LOLA

PARAMDAM NI LOLA

Isishare ko ngayon ay iyong pagpaparamdam ni Lola (lola ko sa tuhod) bago at pagkatapos niya mamatay/ilibing.

December 19, 2016 , 3:00 something pm (hindi ko matandaan matagal na ) Iyan iyong araw at oras na namatay si Lola. Pero bago siya mamatay, December 16,2016, sabay kaming na hospital ni Lolo at Papa.

Una si Lolo 12 ng madaling araw tapos pagka alas 2 ng madaling araw ako naman at kinabukasan mga 6 am si Papa naman. Dahilan? Sumakit ang tiyan dahil sa talaba.

Dec. 18, sabay kaming nakalabas ng hospital ni Lolo. Kinabukasan lumabas na din si Papa. Kaka 3 pm pa lang nang dumating sila. Saglit lang na humiga si Papa nang tumawag iyong tita ko kay Mama umiiyak at sabi wala na nga raw si Lola. Patay na daw.

Pero bago pa talaga mamatay si Lola, may hindi kanais nais na siyang pinapakita o pinaparamdam sa amin. Lalo na sa akin kasi nakita ko siya. 92 years old na si Lola at hindi na makakalakad.

Nasa kwarto na lang siya palagi at nakahiga inaalagaan na lang siya. Kaya nagtaka ako noong araw na iyon ( hindi pa kami nahohospital noon). Napadaan ako sa bahay nila papunta kina Tita.

Nakita ko siya na nakaupo sa balcony at nakatingin sa daan kung saan ako at naglalakad. E di nagtitigan kami.

Habang naglalakad ako napaisip ako kung bakit nasa balcony si Lola eh hindi naman siya nakakapaglakad? Pano siya napunta doon? Tsaka iyong ayos niya nakaputi siya lahat tapos nakalugay buhok niya na mahaba pero maayos siya tnignan.

Iyong parang normal lang na malusog ganoon. Sabi ko pa kina Tita na nakakapaglakad na pala ulit si Lola. Kako kaya na niya palang umupo nang mag isa at hindi na nahihilo pag tumingin sa mga sasakyang dumadaan.

E di tuwa kami at malusog na ulit siya. Pero ang totoo naman talaga eh maikli na buhok ni Lola noong time na iyon at hindi talaga siya magaling kasi kahit pababangunin mo kelangan pang may mag aalalay para makabangon.

Kami pa magpapabihis sa kanya. Kaya sino iyong nakita ko? Alam kong si Lola iyon kase nagtitigan pa kami.

Dec. 19. 2 pm, napadaan Tito ko kina Lola para pumasok sa trabaho. Pero may narinig siyang iyak ng babae. Sobrang lakas daw ng iyak iyong parang nanghihingi daw ng tulong.

Iyak lang daw ng iyak ng sobrang lakas. Pero sa totoo mahinang mahina naman na boses ni Lola. Hindi alam ni Tito na iyon na pala iyong pamamaalam niya.

Araw ng libing ni Lola. Naiwan sa bahay nila iyong tatlo kong Tita dahil kakapanganak lang ng dalawa at bali babantayan sila ng isa ko pang Tita. At sila na din nagbantay sa bahay.

Habang nasa kusina iyong isa kong tita naghuhugas ng pinggan, nasa balcony naman iyong dalawa kong Tita at bitbit mga anak nila. Nang palabas na iyong tita kong nasa kusina, nakita niyang nagliliyab yung altar.

Malapit na kainin ng apoy iyong kurtina buti na lang at naagapan. Nasunog iyong mga papel na nakalagay sa altar pati bulaklak maliban sa novena ni Lola. Hindi na sila nagsindi ng kandila kase sa tuwing pinapatayo nila iyong kandila, natutumba papunta sa kurtina.

Doon na lang sila sa balcony at nagusap-usap . Pero nahinto daw sila kase merong iyak ng iyak na babae sa kwarto ni L. Tila nagmamakaawa at humihingi daw ng tulong. Alam nilang si Lola iyon.

Baka nagpapaalam daw. Kahit takot sila ay pinabayaan nalang daw nila hanggang sa huminto iyong iyak. Hindi na lang din sila pumasok sa loob ng bahay hanggang sa dumating mga galing sa libing.

Ilang months pagkatapos mamatay ni Lola. Isa na lang ang nakatira sa bahay nila Lola iyong anak niyang babae na walang asawa. (Mama tawag ko) naisipan kong doon matulog sa kanya noong time na iyon.

Tuwing gabi wala sa bahay si Mama dahil nanonood siya ng TV doon sa bayaw niya. Hindi ko sinabi sa kanya na doon ako matutulog kaya wala siyang enexpect na may pupunta sa bahay niya. 6 pm ng gabi nang pumunta ako doon.

Pagkadating ko nakasara iyong pinto ng bahay pero nakabukas iyong ilaw sa balcony. So naisip ko na nasa kabilang bahay si Mama nanonood ng TV. (Medyo malayo layo kase iyong bahay na pinuntahan niya.

Bali dalawang bahay na wala namang nakatira kasunod ng bahay nila bago doon sa bahay ng bayaw niya). Naisip ko na lang na hintayin ko na lang siya sa balcony.

Doon na lang ako habang nag-facebook. Pero maya-maya may narinig akong ubo ng babae. So nag-taka ako. Kung nasa loob si Mama at natutulog na, bakit hindi niya pinatay iyong ilaw sa balcony? Pinapatay niya kasi ito pag-matutulog na siya.

Pero inisip ko na guni-guni ko lang iyon. Pero maya-maya may ubo na naman. E di tinawag ko na lang si Mama. Kung siya iyon magigising iyon agad kasi hindi naman siya mahirap gisingin.

Tawag ako ng tawag pero walang sumasagot. Pinabayaan ko na lang ulit. Pero may umubo na naman ulit. Pangatlo na. Doon na nag-tayuan balahibo ko . Hindi ko alam kung bakit ako natakot.

Tinatawag ko na naman si Mama pero wala talagang sumasagot sa akin. Paiyak na ko. Kahit na takot akong dumaan sa dalawang bahay na walang tao no choice na ako. Tumakbo ako papunta doon sa bayaw ni Mama.

Pagdating ko doon nakita ko si Mama na nanonood. Lalo lumakas takot ko. Nagulat pa siya at bakit pumunta daw ako doon ng gabi at hindi ko sinabi sa kanya.

Pero hindi ko siya sinagot at tinanong ko agad na kung sino tao sa bahay niya . Sabi nya wala naman daw. Nilock daw niya iyong pinto bago umalis. E di umiyak na ako at kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin.

Kahit si Mama ay nakaranas din ng paramdam ni Lola. Habang mahimbing na tulog niya, naalimpungatan siya dahil narinig niyang nakaandar iyong electric fan na nasa loob ng kwarto ni Lola.

Nang pinuntahan niya ay nakita nga niyang umiikot ito kahit wala namang tao doon at hindi niya naman pinaandar iyon. At mas lalong wala namang mag papaandar doon kasi siya lang naman mag-isa sa bahay. Ang ginawa niya ay pinatay niya na lang at hindi na nagpadala sa takot.

Sana natakot din kayo kase ako naiiyak habang nagtatype. Salamat po sa pagbasa.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar