Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

PANGITAIN

By: Hannah

Ang naganap sa akin when I was 7 years old bago mamatay ang Lola ko ay matatawag na pangitain, ganoon din sa Lolo ko bago siya mamatay. Ito namang story na ipapahagi ko ay tungkol naman sa aking kapitbahay na ngayon ay nakaburol na.

Papatunayan ko ngayon sa inyo na ang nangyayari sa akin ay hindi isang ilusyon lang. May mga comment at text pati chat pa ako na ibabahagi sa inyo na nagpapatunay na bago mamatay ang kapitbahay nakita ko sa pangitain ko isang oras bago siya bawian ng buhay.

Nakaidlip ako. 3:32pm nagising bigla dahil nakita ko kapitbahay ko na nasa tarpaulin na pangpatay. Malinaw na malinaw. Nagtext ako sa boyfriend ko.

Sinabi ko nga na nakita ko iyong kapitbahay namin na nasa tarpaulin ng patay, tapos sabi ko kinakabahan ako. Huwag naman sana. 4:45pm nagsisigaw ang kasamahan sa trabaho ng kapitbahay ko, binalitang inatake ng highblood ang kapitbahay ko na pangalanan nating Ate Leng.

Si Ate Leng ay matagal ng nagtatrabaho sa Center dito sa lugar namin, actually malapit na kapitbahay namin siya. Nalalapitan at nahihingian ng gamot minsan. Noong narinig ko iyong binalita ko agad sa boyfriend ko pati sa Nanay at Tatay ko, hindi pa makareply si Boyfriend noon kasi on duty pa.

So, iyong mga Nanay ko pa lang nakausap ko, sabi sa akin, huwag na lang maingay, baka sabihin pinanalangin namin mamatay si Ate Leng para mapaalis na sa lupang pag-aari ng Lolo’t Lola ko. Around 6pm namatay na nga si Ate Leng.

Sobra-sobrang takot ko na mangiyak-ngiyak ako dahil bakit ako? Bakit sa akin? Bakit ako pa nakakita ng ganung pangitain? Ang bilis naman, parang sa Lolo ko lang, sobrang bilis. Nakatulala ako at halos walang maisip na gagawin, ni hindi ako makalabas para maki-usyoso.

Dumating ang boyfriend ko. Medyo nagkaroon ako ng lakas at may kasama na ko sa bahay. Sobrang natutulala ako sa nangyayari. 1:30am nagigising ako pero antok na antok ako. Nakikita ko sya banda sa paanan ko, may kung anong gustong sabihin sa akin. Ni hindi ko na ginising boyfriend ko at nakatulog na ko.

March 11 2018, Birthday ko. Maaga akong nagising, sobrang sama ng pakiramdam ko, ansikip ng dibdib ko. Nahihilo ako. Nanakbo ako sa bahay ng Tatay at Nanay ko,. Pinainom ako ng gamot at gumamit ako ng nebulizer.

Medyo gumaan na pakiramdam ko, sabi ko sa Nanay ko uuwi na ko, doon na ko magpapahinga at baka hanapin na ko ng boyfriend ko. Habang naglalakad ako pauwi, nakita ko si Ate Leng nakatayo sa may puno, seryoso mukha niya, umiwas ako, masama pa rin pakiramdam ko.

Medyo gumaan na pakiramdam ko noong mag-9am na kaya kumilos na ko para maglinis. Sumimba kami dahil birthday ko,.

Pagkauwi namin, nagluto at namahinga kami ng boyfriend ko, uuwi na sana siya kasi may pasok siya kinabukasan kaya lang ayoko siyang pauwiin, hindi ko masabi sa kanya na nandito si Ate Leng.

May kung anong gustong sabihin sa akin, ngunit ayokong makipag-usap sa kanya. May mga nagsasabi sa akin, oras na kinausap mo ang kahit na sinong kaluluwa marami ng lalapit at hihingi ng tulong kaya kahit na anong pagpapakita niya binabaliwala ko, hindi na nga nakauwi ang boyfriend ko kahit paano napanatag ako. Kaya lang kailangan niyang bumangon ng maaga para makapasok sa trabaho.

March 13 2018, sa biglang tingin akala ko namamalikmata lang ako, kaya lang noong tinitigan ko na ang labas ng pintuan. Nakatayo siya, hindi ko alam pero nakipagtitigan ako. Para may kung ano na hindi ko mabawi ang paningin ko.

Biglang bumukas ang gate, pumasok Nanay ko. Nagtataka, “Anong nangyayari sayo? Para kang nakakita ng multo?” Sagot ko ” Si Ate Leng ayaw akong tantanan, laging nagpapakita sa akin. Nay, anong gagawin ko? May gusto siyang sabihin sa akin eh, ayokong makipag usap sa kanya!” Umiiyak na ko. Sabi sa akin ni Nanay, ” Magdasal ka, sasabayan kita. Ipagdadasal natin siya.” Nagdasal na nga kami. Ngayon dalawang araw ko na siyang hindi nakikita. Bukas ang huling lamay niya.

Sayo Ate Leng, kung biglaan man pagkamatay mo at wala akong nagawa, patawad. Kung hindi ko man nawarningan mga kamag-anak mo na may mangyayaring masama sayo, patawad ulit.

Sa totoo lang, hirap na hirap din ako sa sitwasyon ko. Hindi ko alam bakit may ganitong pangitain ako, na kung bakit nakikita ko ang mga mamamatay na malapit sa akin bago sila mamatay.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar