Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

OUIJA BOARD

By: Kyle

Ang kwentong ito ay hango sa totoong pangyayari.

November 1,2015

Napagpasyahan naming 4 na magkaibigan na maglaro ng “Ouija Board” since sobrang boring namin sa trabaho that time, isa akong housekeeper.

Ang 2 kong kaibigan ay isang housekeeper din na si John, Jomarie at isang gwardya na si Jerk (mga hindi tunay na pangalan)

So ayon nga, ako ang dumisenyo ng ouija at pgkatapos noon ay umuwi ako ng bahay para uminom ng holy water (playsafe kumbaga) kasi sa likod ng hotel ay may compound kung saan ako nakatira.

So bumalik na ako pagkatapos.

Sa totoo lang sobrang luma na ng hotel at ang dami ng storya doon.

Tulad ng may nagpapakitang bata sa room 8.

White lady sa room 15.

Anino sa room 13.

Lumulutang na babae sa room 30.

At iyong nagbigti na businessman sa room 27.

Sa totoo lang nkakaramdam ako, pero hindi ako natatakot kasi hindi naman ako nag-iisa pag-naglilinis ng kwarto.

So balik na tayo sa Oujia.

Ayon nga umakyat na kami sa pangalawang palapag para maglaro.

Nilapag namin ang oujia pinalibutan at umupo.

At nagsimula nang magtawag ng espiritu.

Ako ang pinili ng barkada kaya ako ang nagsalita.

”Espiritu-espirito, kung nandito ka man magparamdam ka sa amin”

4 na beses kong binigkas bgo napunta sa yes ang baso.

“Ano ang yong pangalan?”(tanong ko)

R h o s

Hindi natapos dahil iyong isang kasama ko ay kumaripas ng takbo pababa dahil hindi siya mkapaniwala.

So sumunod kami sa pagtakbo.

Kinausap namin siya ng maayos para bumalik at tapusin ang nasimulan, dahil alam namin na may masamang mangyayari pag hindi namin natapos.

At ayon na nga umakyat na kami, buti na lang at hindi tumihaya ang baso (which is sa paniniwala namin nandoon sa loob ang spirit).

Tinuloy na namin ang pag uusap ng biglang may mga nakita na akong alam kong multo, malapit sa fire estinguisher mga 5 meters mula sa amin, may nakalutang na babae at isang bata.

Sa gilid naman kung saan may kwarto ay meron nakahandusay na babae din na duguan ang nakatitig sa akin na para bang humihingi ng tulong, takot na takot na ako.

Kaya tinapos na namin kasi baka may mapahamak pa isa sa amin.

 

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar