Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

New School

By: Nick

June is the first month of school year so excited ako noon ako nga pala si Nick. Pero nag-start iyong kuwento noong second day of school noong unang araw.

Mas minabuti kong pumunta sa dulo since wala akong ka-close sa room. Then nitong second day, ako iyong pinaka-maaga wala naman lock iyong mga room kaya binuksan ko na ito at pumasok na ko akala ko walang tao dahil sa nakasara pa iyong pinto.

Nakita ko siya doon sa Seat No. 21 sa tabi ng seat ko kasi No. 22. Ako nakaupo binalot kami ng katahimikan sa loob ng room. Nang bigla siyang lumabas dala ang bag niya.

Sumunod ako sa kanya palabas pero wala siya hindi ko na siya makita. Nagulat ako sa tunog ng pinto sa likuran ko pumasok pala siya sa room.

Tinignan ko ang clock ko 4:30am pa lang pala pero okay lang pumapasok naman ang mga schoolmates ko ng 5:00am ehh.

Talagang inagahan ko lang dahil boring doon sa bahay tapos pumasok ako sa room.

Tapos umupo ako sa tabi niya tapos tinanong ko siya:

Ako: Ano pangalan mo??

Siya: Allister Guazon (lalaki siya)

Ako: Ahh.. Ilang taon ka na sa school na ito?

Pero hindi na siya sumagot. Tumingin ako sa clock ko 4:58am na then may mga dumating na din. Natapos iyong klase na wala siyang ginagawa.

Tinanong ko siya noong uwian:

Ako: Bakit wala kang ginawa kanina?

Siya: Maiintindihan mo din iyon balang araw.

Ako: Bakit nga?

Tumakbo siya at hindi ko na nakita.

Kinabukasan…

Ako: Hi! Allister.

Siya: Huwag ka nga maingay diyan.

Hindi ko na ipinagtaka kung bakit ba nakasara pa iyong pinto bago ako pumasok. Ang isa sa pinagtataka ko ay bakit hindi pinapaupuan ng mga teachers namin ang seat 21 tuwing may arrangement.

At isa pa, bakit hindi din namomove ang pwesto ni Allister at bakit takot na takot silang umupo sa mga seat na malapit dito ang seat 19,20,22,23 at bakit parang invisible si Allister na hindi man lang nila kinakausap o tinitingnan.

Noong matapos ang klase hindi na ko nag-abala pa para kay Allister sa halip naghanap ako ng impormasyon tungkol dito sa bagong eskwelahang ito. Ngunit wala akong nakalap kung hindi ang mga date kung kelan ito tinayo, pinalitan ng principals at etc.

Kinabukasan….

Tumingin ako sa clock it’s 4:30 A.M. pumasok ako sa room pero wala doon si Allister..

Inikot ko ang buong school dahil tanging guard lang sa gate ang kasama ko sa school. Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa likod ko bigla ko itong nilingon pero wala namang tao o sinuman ang nasa likod ko bumalik ako sa room pero wala pa din si Allister. Halos 20 mins. lagpas din ako nag-ikot sa school na ito.

Tumingin uli ako sa clock.

“Huh?!” Nakita kong ang time pa din ay 4:30 A.M. Samantalang kanina pa ko nag-iikot eh.

Pumasok ako at umupo sa teacher’s chair at pinatong ang kamay ko na hawak ang cellphone sa desk ng teacher ko. 4:30am pa din ang nakalagay sa phone ko kaya naisipan kong i-reboot ito at sa tempered glass nito nakita ko ang isang lalaki .

“Allister..” Bulong ko sa isip ko tapos humarap ako sa likuran ko nakita ko si Allister duguan at tumakbo.

Ako papunta sa guard tinanong ko siya kung may nag-enroll bang Allister Guazon sabi niya last 2 years pa daw iyon namatay ng dahil sa katabi nito na nakaupo sa seat 22 dahil sa inggit nito kay Allister na nangunguna sa buong eskwelahan.

Kaya hanggang ngayon ayaw paupuan ang seat 21 dahil sa doon pinatay si Allister na may malaking ambag sa pagiging sikat ng eskwelahan.

Lumipat ako matapos malaman iyon hindi ko na rin kinuwento sa guard na nakita at nakausap ko pa si Allister.

THE END!!

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar