Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / MYSTERIOUS HOUSE

MYSTERIOUS HOUSE

By: Lang Lang

Hi po! Gusto ko lang ishare ang naging karanasan ko. I’m Lang Lang(not my true name. Turning 17 na po ako this july.)

Nangyari ito noong Grade 9 pa ako and I’m 14 years old that time. Una, naaksidente ako 2years ago hindi ako makalakad ng maayos kumbaga walker ang gamit ko.

Sa bahay na iyon nakatira ang Lola’t Lolo ko. Isang gabi , inatake si Lola sa puso kaya isinugod siya sa hospital kasama si Lolo at dalawang anak niya so ako nalang ang natira sa bahay na iyon.

May nag sabi na ang lupang tinayuan ng bahay nila Lolo ay may malaking balete at daan daw iyon ng mga bad creatures at ako naman hindi talaga naniniwala kasi hindi pa ako nakakita.

Pumunta ako sa kwarto at nagpamusic tapos parang may pumasok sa bahay at dumaan doon sa labas ng kwarto hindi kasi nakasara ang pinto.

Maitim siya tapos matangkad. Na-curious ako kaya tinignan ko, nakita ko na gumalaw iyong upuan sa kusina. Nanindig balahibo ko kasi first time kong makaranas ng ganito.

Pumunta ako sa sala umupo ako doon tapos parang may tumitingin sa akin sa labas ng pintuan. Kahit takot na takot na ako ginawa ko paring tingnan kung may tao ba.

Dahan dahan kong tiningnan nang may bigla akong nakita na matangkad, maitim, pulang mata at medyo mahaba ang tenga. Napasigaw ako at dahil hindi ako makalakad, sa sobrang takot ko tinawag ko ang isa sa mga kapitbahay namin at sinabi ang lahat ng nakita ko.

August 2016 namatay ang Lola ko at September 2016 naman namatay ang Lolo ko ang weird hindi ba? Magkasunod din sila ng date.

Tapos nasundan pa ito this year Month of March at nakakalakad at nakakatakbo na ako, pumupunta ako minsan sa bahay nila Lola, pasado alas 8:00 ng gabi tumambay ako doon sa may sala ng bahay nila Lola.

Nag-cecellphone ako noong time na iyon ng mapansin ko ang kurtina na may humahawi. Maliwanag naman sa may banda doon pero anino lang talaga ang nakita ko.

Noong una binalewala ko lang pero naulit pa iyon at hinawi na talaga at nakita ko talaga na anino lang talaga!

Nanindig balahibo ko at sa sobrang takot ko agad akong lumabas sa bahay na iyon at sinabi sa sarili ko na hinding hindi na ako babalik sa bahay na iyon ng mag-isa! Hanggang dito na lang.

Maraming salamat sa pagbabasa!

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar