Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

LIBRARIAN

Way back 2010 when I was just a grade 4 student. So ito po, iyong building po ng room namin is malapit sa library.

So every Monday, Wednesday and Friday is kaming lima (groupmates) iyong na assigned para maglinis ng library.

Before po kami naglilinis, sinasabihan po kami ng librarian na mag greet ng “Good morning” and “Goodbye” after maglinis. We found it weird pero normal na lang sa amin iyon.

Sa whole year ng paglilinis namin doon, isa lang talaga ang napansin namin.

Tuwing hapon sa paglilinis namin, pag patong ng alas singko ng hapon, may naririnig kaming lima ng ingay ng mga lata at parang ibat ibang gamit na ipinupokpok sa loob ng CR ng boys.

Hindi kami nagsasalita ng kung ano hanggang sa lalabas kaming hindi nagpapahalatang natatakot. Lahat kami kinikilabutan sa tuwing topic namin ang library.

Noog malapit ba iyong end ng school year, we approached our librarian about sa mga naranasan namin. Mas lalo kaming kinilabutan sa mga sinabi niya. She told us na iyong mga narirnig daw namin sa CR ay tatlong bata.

Inexplained niya ang ibig sabihin ng ingay na iyon ay pinapauwi na kami. Takot na takot kami noon. Tinanong rin ng friend ko iyong librarian namin kung hindi ba siya natatakot na almost 8pm na siyang umuuwi.

Sinagot naman ito ng librarian namin na, sanay na raw siya dahil bukod sa tatlong bata, may isang babae rin daw ang nakatayo parati sa may pintuan.

At may kapre rin daw sa mga nilalagyan ng mga walis namin na parang maliit sa stocked room at maraming grupo ng kalalakihan ang nagbabantay umano sa mga libro.

Hindi namin lubos maisip kung gaano siya katapang sa mga nakikita at mga naririnig niya.

Noong nag grade 5 kami nalaman namin na may bago kaming librarian. Nalaman rin namin na iyong dating librarian namin ay magtuturo na at coincidence pa talaga na isa siya sa subject teacher namin.

After ilang days ng pagtuturo niya, napansin namin na parang nanghihina siya. Madalas siyang absent. Every time na naglelecture siya ay bigla na lang siyang namumula tapos namumutla agad.

Dumating iyong araw na sinabi sa amin na mag-leleave daw siya for a month without knowing the reason.

So ayon, after one week noon, nagtaka kami kung bakit nakita namin siyang pumasok kasi sinabi na one month daw itong leave.

Shocked kami dahil ang healthy niyang tingnan. Tumatawa, walang problema at parang walang nangyari sa kanya. Nalaman rin namin na bumalik siya sa pagiging librarian.

So out of curiosity, tinanong namin siya kung bakit siya bumalik sa pagiging librarian at bakit hindi na siya nagtuturo sa amin.

Ito lang naman ang sagot niya, “Hindi ko puwedeng iwan ang mga kaibigan ko.”

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar