Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / LALAKING NAKAITIM

LALAKING NAKAITIM

November 3 , 2017, 7:39 ng gabi nang maisipan namin ng barkada ko maglaro ng spirit of the glass sa loob ng simbahan.

Bago kami magsimula ay nagdasal muna kami na walang masaktan sa amin ng matapos ay nagsimula na nga kami.

“SPIRIT OF THE GLASS MAGPARAMDAM KA SA AMIN, SPIRIT OF THE GLASS, GUSTO KA NAMING MAKILALA.”

Nang biglang magbukas iyong electric fan ang lakas ng hangin nakakapanindig balahibo. Nagsitakbuhan kami ng malapit na kami sa gate ay nasa harapan na namin si Aleng Awling na care taker ng church.

Nakita niya na hawak-hawak ng isa kung barkada iyong board at baso, “Akin na iyan babasagin ko’t susunogin” Sabi niya. “Hindi niyo ba alam na pwede kayong mapahamak sa ginagawa niyo pwede kayong sundan ng espiritu na tinatawag niyo? Magsiuwi na kayo.” umiiyak na kami sa takot.

Habang papauwi na ako sa amin ay dadaan muna ako sa likod ng church ng lampas na ako sa church may tumatawag sa akin sa likod ko na pabulong na boses.

Super natatakot na ako paglingon ko isang lalaking nakaitim lahat maliban sa mata niyang sobrang pula at biglang nagtahulan ang mga aso. Pinikit ko na lang ang aking mata at nanalangin pagdilat ko ay nawala.

Takbo na lang ako ng takbo hanggang nasa sa amin na ako iyak na lang ako ng iyak. Sabi ni Mama namumutlaw na daw ako.

Pinakalma muna ako nila Mama hanggang naging okay na ako ay kwinento ko lahat kay Mama iyong nangyari sabi sa akin ni Mama, “Huwag ka ng dadaan ulit doon dahil iyang nakita mo ay iyon din iyong nagpakita noon sa kapatid mo sa bintana ng kusina natin.”

Mula noon hindi na nga ako dumaan doon.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar