Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / LALAKI SA KURTINA

LALAKI SA KURTINA

By: Erika

First time ko lamang po mag share ng creepy experience, actually po hindi aking experience. Kundi experience po ng 11 years old ko kapatid na babaeng bunso, bago po ang lahat ako nga po pala si Erika a.k.a “Eka”.

Panganay ako sa aming magkapatid, dalawa lang kaming magkapatid ni Nicole. Since na-confined ang Mama namin sa hospital sa Quezon City nitong May 2016, dalawa na lang kaming magkasama ng kapatid ko.

Kakahiwalay lang din ng parents namin last December 2015, kaya medyo depressed kami ng kapatid ko sa mga pangyayari.

Simula din ng mapaalis kami sa inuupahan namin ay doon na kami nakitira ng kapatid ko sa kaibigan ng Mama ko.

July 7, 2016 ng 4am habang tahimik ang paligid at mahimbing sa pagkakatulog ang mga kasama namin sa bahay.

Nagising na lang ako bigla ng may marinig akong iyak sa tabi ko, umiiyak iyong kapatid ko habang nakatakip sa mukha niya iyong mga kamay niya.

Tinanong ko siya.

Ako: “Oh nicole..bakit ka umiiyak?” (Habang tinatanggal ko iyong mga kamay niya)

Siya: (Pabulong) “Ate, tingnan mo may nakatayong malaking maitim na lalaki sa may kurtina. Ang kapal ng buhok tapos puti lahat ng mata na nakatingin sa akin.”

Pero noong bigla akong napatingin sa kurtina, wala naman akong nakikita.

Pero naisip ko na hindi naman siya iiyak ng walang dahilan, so totoo talagang nakakita siya. Bigla akong natakot at kinabahan ng sobra.

Bigla kong kinuha ang rosary ko na bigay ni Mama at pinasuot ko sa kapatid ko, niyakap ko siya.

Hindi ko pinapahalatang natatakot ako basta niyakap ko lang siya, sabi ko sa kanya magdasal tayo para mawala na iyong nakita mo.

Tapos hindi na siya makatulog noon kaya dinamayan ko na lang din siya, hanggang 7am na ulit kami nakatulog.

Ayon lang po. Thank you po.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar