Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

KWARTO

By: Mry Krys

Ikukwento ko lang sana iyong experience ko doon sa bahay ng Tita ko Betty sa Pangasinan. Pagka-graduate ko kasi ng high school ay doon na ako tumira para mag aral ng college, noong unang mga taon na pamamalagi ko doon wala pa naman akong mga nararamdaman.

May isang kwarto kasi doon na ayaw na ayaw nilang tulugan ng mga pinsan ko. Actually apat ang anak ng Tita ko tatlong babae at isang lalaki iyong panganay na babae ay Nurse sa US at iyong lalaki naman ay Engineer sa Canada.

Balik tayo sa kwarto na ayaw nilang tulugan, iyong kwarto kasi na iyon ay dating kwarto ng pinsan ko na nurse, mula kasi noong lumipad siya patungong U.S ay wala ng natutulog doon.

Pero okay lang naman sa kanila na tulugan ang silid na iyon ng sino man sa amin, kaso sa hindi ko malamang dahilan sadyang iniiwasan talaga nilang matulog doon.

Lumipas ang mga taon na pamamalagi ko doon, sa kabilang silid ako natutulog kasi wala naman ang dalawa kung pinsan na naiwan dito sa pinas nag aaral silang dalawa noon sa baguio pareho na ding kolehiyo.

May minsang namasyal ang Tatay ko sa Pangasinan, sa kwarto ng Tita ko sya pinatulog, sa sala din naman kasi sila natutulog ng Tito ko noon, ewan kung bakit hindi sila natutulog sa kwarto nila eh ang lamig din naman doon.

Sumapit ang gabi naghapunan kami after noon nanonood muna kami ng tv habang nagkukwentuhan nagkakamustahan kung ano ng ganap dito sa Isabela, pagkatapos ng kwentuhan nagpasya na ang lahat na matulog.

Kinaumagahan, nilalagnat na ang Tatay ko nagtataka kami kasi bakit siya nilagnat, biniro pa siya ng Tita ko na baka raw namimiss na niya ang Nanay at iyong bunso namin.

Hanggang sa nagkwento siya na hindi daw siya makatulog sa kwarto, na para bang may nakabantay sa kanya. Baluktot daw siya ng baluktot kaya bumangon muna daw ang Tatay ko para umihi, pagbalik daw niya sa kwarto humiga siya ulit.

Mahilig kasi kami na matulog doon na nakabukas ang bintana kasi may bakal-bakal naman na napasadya kaya okay lang na nakabukas iyong bintana at saka may kurtina din kaya okay na okay.

Paglingon daw ng Tatay ko sa may left side niya may babae daw na sumilip sa bintana, deadma lang daw sana kaso iyong babae ang tagal daw na nakatingin sa kanya mahaba raw ang buhok at nakadamit ng mahaba na kulay puti.

Inakala pa daw niya na iyong kapit-bahay lang nila kaso ang tantya niya mga 3am iyon ng madaling araw. Naniwala ako kay Tatay dahil kilala ko siya hindi siya natatakot at lalong hindi sya naniniwala sa multo

. Doon na ako nakaramdam ng matinding takot at mula noon nagsasara na ako ng bintana ko sa kwarto.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar