Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

KUMOT

By: Arrow N Ferno

Nasa 3rd yr.college ako noon sa malayong probinsya namin sa Bicol. At dahil sa malayo ang bahay namin sa pinapasukan kong school nagpasya akong pumasok na lamang o mangupahan sa dormitory ng school.

Medyo may kalumaan na ito kasi itinatag ang school namin 1952 siguro mga 60+yrs na rin ang dorm na tinitirahan ko. Ok naman ang ambiance kasi mapuno at maraming ibon sa paligid iyon nga lng pag-sapit na ng gabi sobrang tahimik na ng paligid.

Bawal kasi mag-ingay doon kasi may mga professor ding nangungupahan doon kaya medyo istrikto bawal na lumabas ng room pg 10pm na. Bali apat na palapag ang dormitory namin nasa pangatlong palapag ang kuwarto ko.

Bawat room may katapat din na kuwarto at bawat kuwarto mayroon lamang isang kama para sa dalawang tao at doon ako. Nakilala ang katabi ko sa higaan na c Mark mabait siya at palatawa lang din.

Tulad ko mahilig kami mag-kuwentuhan bago matulog at doon nalaman ko na isa pala siyang varsity sa school. Player kasi siya ng basketball ako naman member ng dancetroop sa school kaya may mga pagkakataon na lagi akong late kung umuwi dahil sa practice.

Isang gabi nga noon galing ako ng practice mga 10pm na kmi natapos pauwi na ako ng dorm. At noon nakapasok na ako pansin kong ako na lang ang naglalakad sa hallway pero parang pakiramdam ko may sumusunod sa akin.

Kaya binilisan ko ang pag-akyat sa hagdan at pglakad sa hallway nang mlapit na ako sa pinto may narinig akong ingay na para bang may nagpiprito na kung ano pero wala nman akong nakita kaya naisip ko na baka dala lang ng takot ko o hindi kaya pagod lang ako kaya pumasok na lang ako.

Dahan-dahan kong binuksan iyong pinto sa pag-aakalang tulog na iyong mga kasama ko sa kuwarto pero nang pagpasok ko nakita ko si Mark na gising pa at umiiyak kaya kinausap ko siya at tinanong kung ano ang problema.

Ayon relationship problem daw iyong mahal na mahal niyang girlfriend hindi na nagpaparamdam sa kanya LDR na kasi sila. Tapos ako naman naikuwento ko iyong nangyari sa akin sa hallway.

Habang kinukuwento ko sa kanya iyong mukha niya gulat na gulat kasi naman alam niya pala ang kiwento about doon. Iyong nag-iingay pala tuwing 10pm doon ay iyong dating estudyante na naktira doon na mahilig mag-prito tuwing gabi ilang buwan bago siya nagpakamatay.

Nagpakamatay dahil nabuntis at hindi pinanagutan ng nakabuntis kaya ayon naglaslas sa CR. Dati kasi girls dorm iyon at dahil sa pangyayaring iyon wala nang babae kaya ginawa na lang boys dorm.

Lumipas pa ang ilang araw sa tuwing umuuwi ako lagi kong nadadatnan si Mark na umiiyak sa tuwing kakausapin ko naman bigla na lang tumatahimik kaya hinahayaan ko na lang. Pero pagkalipas pa ng ilang linggo ganoon ng ganoon lagi ang nangyayari.

Hanggang sa isang gabi pag-uwi ko ng dorm galing ng practice pagbukas ko ng pinto ng kwarto tumambad sa akin si Mark. Pero hindi umiiyak laking gulat ko sa nakita ko gusto ko sumigaw pero hindi ko magawa naunahan ako ng gulat sa nakita ko si Mark nagpatiwakal.

Inabot pa ng isang minuto bago ako nakasigaw kaya nagsilabasan na ang mga boardmates. Lumipas ang ilang araw nalaman ko rin ang katotohanan kung bakit siya nagpakamatay dahil pala sa sinasabi niyang LDR girlfriend niya hindi pala long distance kung hindi magkabilang mundo pala ang pagitan nila.

Kasi iyong girlfriend niya pla ay iyon mismong nag-pakamatay din dati doon siya pala ang nakabuntis sa babaeng iyon. Kaya pala siya umupa doon dahil hindi siya pinapatulog ng konsensya niya.

Kaya din sya umiiyak gabi-gabi dahil sa lagi pala siyang pinapakitaan nito at sinisisi. Kaya hindi nagtagal nagpakamatay na rin siya. At dahil sa pangyayaring iyon isang linggo muna akong nagleave of absence pagkalipas ng isang linggo balik iskwela na ako.

Mayroon na rin akong bagong kasama sa higaan c Axzel. Gabi gabi akong hindi nakakatulog ng maayos dahil hindi pa rin maalis sa isip ko iyong nakita ko. Lalo pa’t hindi pa ako nkakalipat ng ibang bahay.

Pero isang gabi pag-uwi ko galing practise inaasahan ko na andoon na c Axzel kaya dahan-dahan ko ulit binuksan iyong pinto sa pag iisip na baka magising ko siya. Pero nang pagbukas ko ng pinto hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o may kasama talaga siya sa higaan.

Kasi apat ang nakikita kong paa na natabunan ng kumot pero noong nagising siya bigla na lang nawala iyong dalawang paa. Tinanong niya ako kung ano nangyari sa akin pero hindi ko siya sinagot.

Halos ganoon lagi ang nangyayari sa tuwing nauuna gabi na ako nakakauwi kaya nagpasya na lang akong huminto at lumipat dito sa Manila. Pero hanggang ngayon may trauma pa rin ako sa mga nagkukumot lalo na pag-nakalabas ang mga paa at natatakot na rin akong magkumot hanggang ngayon. Maraming Salamat.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar