Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

KULTO

By: KC

Nangyari ito noong 2006 sa probinsya ng Mama ko sa Capiz. Galing kaming Quezon City on the way to Capiz. Sa biyahe palang makikita muna na sobrang nakakatakot talaga iyong lugar na iyon.

Sobrang dilim sa kalsada at wala pang katao-tao. Mahaba-haba din iyong binayahe namin bago makarating talaga sa bahay ng Lola ko (Mommy’s Mother). Malaki din iyong bahay ng Lola ko, may dalawang malaking bintana na bubungad sa iyo galing second floor bago ka pumasok.

Makikita mo talaga na may kalumaan ang tirahan ng aking Lola dahil sa kahoy na instraktura. Madami na ring alikabok sa bawat sulok ng bahay halatang hindi masyado naalagaan dahil si Lola lang mag-isa ang nakatira dahil may kanya-kanya na ring pamilya ang mga anak niya.

Umakyat ako sa taas ng bahay upang ilagay ang aming gamit at umupo saglit. Ngunit hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakaupo dahil na rin sa sobrang pagod. Bumaba ako at sakto naghahain na sila Mama ng aming kakainin para sa gabihan.

Tatlo lang kami ngayon sa bahay ng Lola ko. Ako, Si Mommy, and my Grandma. Nasira ang katahimikan ng magsalita si Lola “Huwag kayong magbubukas ng pinto ng dis-oras ng gabi. Kahit pa kakilala niyo iyong tao sa labas, huwag na huwag kayong magbubukas.” Tumango-tango lang ako bilang pagsang-ayon.

Ako na nagligpit ng pinagkainan at nauna nang umakyat sila Mama at Lola. Chineck ko kung naka-lock na ba iyong pinto. Ang creepy lang kasi limang lock ang sunod-sunod na nakalagay sa pintuan.

Tumanaw ako ng bintana at sinilip saglit ang labas. Sobrang dilim at kitang-kita ang gate namin na kulay puti. Marami na rin akong narinig na rumor tungkol sa mga kababalaghan sa lugar na ito, kesyo “madaming manananggal” “madaming kulto” “madaming nagmu-multo” pero never akong naniwala kasi hindi ko pa nakikita nang sarili kong mga mata.

Dinouble check ko ang paligid ko kung maayos naba bago ako umakyat ng kwarto, nagdasal muna ako bago ako natulog. Nagising ako ng makapa na wala na pala sa tabi ko si Mama. Bumaba ako para silipin siya baka sakaling nag-CR pero wala.

Naka-kita ako ng liwanag galing sa labas pero hindi ko makita kung saan nanggaling ang liwanag dahil may kurtina. Bubuksan ko na sana ang pinto ng maalala na pinagbawalan pala ako ni Lola na magbukas ng pinto ng dis-oras ng gabi.

Sumilip ako saglit sa orasan at maga-alastres narin pala ng madaling-araw. Paakyat na sana ako ng hagdan upang silipin kung andoon na si Mama sa aming kwarto ng marinig ko ang boses niya “Anak, Samahan mo ako. Halika dito!” Paulit-ulit hanggang sa hindi ko namalayan na binuksan ko na pala ang pinto na kanina ko pa ayaw hawakan.

Hinanap ko ang pinagmulan ng boses ng aking Mama ngunit hindi ko makita kung saan nagmula. Nilibot ko na rin ang malaking espasyo ng harapan ng bahay ni Lola. Hindi ko alam kung bakit nawala ang takot ko kahit sobrang dilim sa kinatatayuan ko.

Hanggang sa may napansin ako madaming taong naglalakad lahat sila naka-itim at puro may hawak na pulang kandila. Sa sobrang takot ko nagtago ako sa gilid ng mga halaman sa tabi ng gate.

Sinilip ko sila at nakita kong sabay-sabay silang nagsasalita ng hindi ko maintindihan na salita, masyadong mabilis ang buka ng kanilang mga labi na hindi ko mawari kung kumakanta o nagdadasal ba sila ng latin. Tinitigan ko ang isa sa kanila na malapit sa pinagtataguan ko.

Laking gulat ko ng huminto ito at tumitig sa mga mata ko, ngumiti siya ng maliit at iyon ang dahilan para mapaatras ako sa kinatatayuan ko na nagdala ng malakas na kaluskos na nagpa-harap sa kanilang lahat.

Huminto silang lahat sa paglalakad at pagsasalita. Lahat ng atensyon nila ay nakatuon sa akin. Nang makita kong sabay-sabay silang naglakad papunta sa kinatatayuan ko ay siya namang pagtakbo ko papunta sa pintuan ng bahay.

Madapa-dapa akong nakarating sa loob ng bahay at madaling ini-lock lahat ng kandado sa aming pintuan at agad na sumilip sa bintana. Wala na sila, Oo sobrang bilis ng pangyayari at wala na silang lahat agad.

Tumakbo ako paakyat ng hagdan at pagsilip sa kwarto ay nakita kong mahimbing na natutulog ang aking Mama. Tumabi ako sa kanya at yumakap ng mahigpit at doon na ako nakatulog ng tuluyan.

Pag-gising ko kinaumagahan tinanong ko agad si Mama kung nag-CR or lumabas ba siya ng kwarto ng madaling araw ngunit matipid siyang sumagot ng “hindi” at hinabulan ng “bakit?”. Sobra akong natakot sa nangyari at inilihim na lamang sa aking Mama at Lola ang nangyari.

3days kaming nagstay sa bahay ng Lola, after ng nangyari never na kong bumaba ng kwarto namin kahit ihing-ihi na ko dahil nasa baba lang naman ang CR ng buong bahay.

Sana nagenjoy kayo sa story ko. Kahit hindi masyado nakakatakot.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar