Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / Kasama sa bahay

Kasama sa bahay

Isang gabi. Habang natutulog ako kasama ang kapatid ko. Meron akong narinig sa kusina. Second floor kasi bahay namin. Habang nag-tagal naririnig ko pa rin parang kumakain. Ewan ko lang. Kala ko si Mama. Night shift kasi Mama ko noon.

Kaya akala ko Mama ko kaya sabi ko “Ma, ikaw po ba yan?” Pero wala kumibo. Kaya napag-isipan kong bumaba para silipin. Pag-silip ko walang tao.

Pero meron akong nakitang platong may kanin. Kaya ayon nag-taka ako. Mahimbing naman ang tulog ng kapatid ko. So ayon nanindig ang mga balahibo ko. Lumamig ang simoy ng hangin.

Niligpit ko na lang iyong kinainan at umakyat na ako sa itaas. Pag-akyat ko bigla na lang umandar iyong gripo namin sa CR. Kinabahan na ko noon. So, nag dalawang isip ako kung titingnan ko ba o aakyat na ko. Pero bumaba ako para tingnan.

Pero bago ako pumunta sa CR namin kinuha ko muna iyong rosaryo namin. Pag-punta ko sa cr namin. Sumilip ako sa ilalim ng pintuan. Pag-silip ko meron akong nakitang paa ng bata na parang nakaupo sa inidoro.

Puro sugat ang paa ng bata. Color gray na ito. At parang may tumutulo na dugo. Sa sobrabg takot ko napasigaw ako. Pag-sigaw ko bigla niyang binaba ang ulo niya at parang tiningnan niya ako mahaba ang buhok niya.

Puti ang mata at parang malungkot siya. Kaya sa sobrang takot ko tumakbo ako pabalik sa itaas at umakyat sa kama at kinuha ko iyong kumot namin. At nag-tago. HIndi ko pa rin maalis sa isipan ko iyong nakita ko.

Hanggang nakasanayan ko na iyon. Gabi-gabi. Naririnig kong merong kumakain. Pero hindi ko na lang pinapansin hanggang sa nag-tigil na sa trabaho ang Mama ko. Sa bahay na lang siya natutulog. Simula noon wala na akong naririnig na kumakain.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar