Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

Kapre

Story ito ng mga co-worker ko.

Past 6 pm nang mtapos ang work noon sa planta. Walang service vehicle na maghahatid sa kanila pauwi kasi maaga pa naman. Dalawa sa mga ka-workmate kong may kaedaran na (pulos babae) ang naiwang naghihintay pa rin ng pampasaherong jeep.

Suwerte namang nakasakay sila sa tagal ng pag-aantay nila sa kantong may ilaw naman mula sa sodium.

Dalawa lang silang nakasakay sa jeep kaya inukopa na nila ang kabilaang dulo ng sasakyan. Sa kalagitnaan ng biyahe nila, sa tapat ng lugar kung saan may kantong walang ilaw.

Bigla-bigla may tumapik ng malakas sa likod ng isa sa dalawang sakay. Tumalbog din bigla ang likuran ng jeep na parang may mabigat na taong kumabit at biglang tumalon.

Lumingon sa kanila ang driver at nagtanong: “MAY NAHULOG BA SA INYO?”

Kaya kanina, iyong dalawang kaworkmate ko na nakasabay ko sa jeep, nakaupo na sa unahang puwesto. Nang ikuwento nila ang karanasan nila, sabi ng isang kasama ko, may kapre talaga sa kanto na iyon na nakikisabay sa jeep twing gabi.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar