Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

Kapatid

May kapatid po ako, just call her rez (hindi niya totoong name). Mas matanda ako sa kanya ng 3yrs.. 5 yrs old siya ng mamatay. But before she died, bata pa lng kami lagi ko siyang inaaway. Ako tong si maldita at palaaway, siya napakabait at napakatahimik na bata. Pag wala akong magawa pinagttripan ko siya at umiyak na tatawanan ko lng (so bad sister).

Fastforwad fiesta ng san juan, eh hindi araw ng basaan, swimming, ligo kung saan-saan. At kami isang family kasama mga kapitbahay, nag plano din maligo, malapit lang kasi samin ung ilog.

So going to ilog na, ang dmi nmin ilang pamilya, mas marami kabataan mga kalaro namin.Pag dating sa ilog talunan na yung iba liguan na. Mama at Papa ko naghanda ng lulutuin na tanghalian, ako at ang sister ko nakaupo lang sa gilid. Actually kasama namin isang kuya namin, at naliligona siya.

Tanghali na at natutuwa kami kapapanuod sa mga naliligo dahil naglalaro sila taguan at habulan sa tubig. Yung iba aakyat sa puno at tatalon. Itong kapatid ko nainggit siguro kaya nagsabi siya kila Mama na maliligo na siya. Ako naman ayoko talagang maligo nun. Ewan ko ba kung bakit, umiyak na siya kasi ayaw siyang payagan ni Mama si Papa busy sa pgluluto.

Sabi ni Mama mamaya na kumain ka muna, ayaw talaga paawat.. Ang kinain niya chetserya at uminom ng sprite, then sinabihan ako ni mama na samahan ko dw siya. Ayoko talagang maligo nun, hindi nila ako napilit. Yung kuya ko tinawag ni Mama. “Samahan mo kapatid mo, diyan mo siya ilagay sa nakikita nmin.”

Eh 5yrs old pa nga lang siya di ba kelangan ng bantay. Iitong si Kuya matigas mukha, doon daw sa kabilang pangpang kasi mabuhangin at mababaw ung tubig. Ok kay Mama, basta bantayan mo ang sabi, nung naliligo na sila ang saya niya parang may kalaro siya kahit siya lang mag-isa. Ang dami naman bata na kalaro niya doon pero hindi siya pinuntahan. Hanggang sa nalingat ang kuya ko at biglang sumigaw “Mama c rez saan?”.

Hanggang sa nagkagulo na, hanap dito hanap doon kung saan saan kami nkarating kakahanap. Wala talaga, saan ang kapatid ko?. Papa sisid ng sisid, ang tanga lang sinong sisisid na yung tubig ay hanggang sakong lng.

Doon na kinabahan lahat at nag salita ang isang kumare ni Mama “Mars, nakita ko yung anak mo may kalaro siya kanina at hinahatak siya papunta sa malaking punong yun, nginuso niya lang hindi niya tinuro dahil natatakot siya.” Pinuntahan ni papa yung malaking puno at pag-dating niya doon sobrang lalim ng tubig at may nakapa yung paa niya na prang buhok.

Nagpatulong siya sa kumpare niya dahil hindi niya kaya iahon na prang may humahawak daw. Takenote lagpas sa papa ko yung lalim ng tubig pero matangkad papa ko.  Noong inangat nila buhok nga ng kapatid ko yung hawak nila. At karga na ni papa ung kapatid ko, sad tlaga. Sinigaw namin ni Mama name niya, pero hindi siya magising, pinabaliktad, pinatuwad, pinump, cpr, pero wala talagang nangyari.

Ang lumabas sa bibig niya, yung kinain niyang chetsirya at ininom na sprite. Wala siyang nainom na tubig galing sa ilog almost 2 hours siguro siyang nasa ilalim ng tubig. Nakapagtataka bakit wala siyang nainom na tubig?. Iyak pa rin ako, so uwi na kaming lahat pgdating sa bahay deretso sa loob. Mga chismosa hindi kami nakakauwi marami na plaang nakaabang samin.

Ang bilis lumipad ng balita, ito na nga pgpasok nmin, pinahiga siya sa papag. Habang kami ni mama nakaharap sa kaniya. Bakit ang init ng katawan niya? bakit hindi siya matigas? bakit parang natutulog lang siya? Mga tanong na hanggang ngayon hindi kami sigurado sa sagot. Binihisan siya nakalimutan ko kung ilang days bago siya ininbalsamo.

Before yun, nagtataka kami bakit hindi siya naninigas? At bakit may lumalabas na dugo sa ilong niya? Hanggang sa nawalan na kami ng pag-asa na hindi na talaga siya babalik sa amin. Pina-embalsamo na siya.

Sa huling lamay niya, umiiyak si Papa sa kuwarto ng tingnan ko siya sa kabaong niya. May pansin akong tubig sa dalawa niyang mata. Walang tulo o pawis sa kabaong niya pero bakit nagkaroon ng tubig sa dalawa niyang mata na parang umiyak siya?

PS: Bakit walang naka-pagsabi samin na wag muna siyang ipasok sa bahay? Bkit walang nagsabi sa amin na baka pinalitan siya? Bakit walang nagsabi sa amin na sa bintana siya idaan at ihagis pabalik? at pag naging puno ng saging yun pinalitan nga siya. Sana buhay pa yung kapatid ko. Sana nabawi pa nmin siya.

Pero natahimik ang lahat. 25 na po ako ngayon pero hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari sa kapatid ko. 8yrs old pa lng ako noong mangyari yun at hanggang ngayon sariwa pa rin sa isip ko. At ang mga tanong na hindi kami sigurado kung ano talaga ang sagot.

Nalunod ba talaga siya? Nilunod? Pinalitan? Eningkanto? o Ano? Kayo kaya niyo bang sagutin yun? Sorry po kung medyo mahaba? True to life story ko po yun. Thanks po sa admin and to all readers God Bless!

 

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar