Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

KAMUKHA KO

This year lang ito nangyari, pero binaliwala ko na lang dahil sa takot.

Ito na sisimulan ko na.
Grade 12 students ako nito, ngaung March lang nangyari ito.

Malapit na graduation namin, so first time ata iyon na practice namin. Buong araw akong hindi nagbukas ng acount ko. Kinabukasan, pag’online ko nabasa ko kaagad iyong sunod-sunod na chat ng mga kaklase ko sa group chat namin na may practice daw para sa graduation.

Noong nabasa ko iyong convo nila na 7:00 am daw start ng practice namin. Pero around 9:00 am ko na nabasa. Pero alam kong Filipino time na naman ito.

Nag-chat ako sa group chat namin ng mga friends ko, papunta pa lang dw sila sa school. So, bali sabi ko sabay-sabay na lang kmi antayan sa bahay ng kaklase namin na malapit lang sa school iyong bahay.

So ito na, nagmadali na ako. Naligo, nagbihis, kumain, etc. Pag’online ko ulit, minamadali na nila ako, kaya sabi ko on the way na kahit na, nasa bahay pa ako. Medyo malayo bahay namin sa school kaya sumakay na lang ako ng habal-habal (habal-habal tawag sa motor na ginagamit sa pag-pasada).

Nag-abang pa ako sa kalye ng habal-habal, antagal bago ako mkasakay. Ito na nga, nagchat ako na sa school na lang ako dederitso kasi naiinis na sila sa kaka-antay sa akin. Noong malapit na ako sa school nakita ko silang lahat na naglalakad ang iingay, bumaba na lang ako para sumabay sa kanila.

Tinawag ko sila, pagtingin nila sa akin gulat na gulat, natatawa ako sa mukha nila. Para bang nakakita ng multo. Hahaha.

Sabi nila sa akin nakita na daw nila ako na dumaan nakasakay rin daw sa habal-habal, ganoon din daw iyong driver naka-jocket, naka-helmet, at kung ano daw iyong upo ko, tindig ko. Iyon rin daw iyong nakita nila.

Sumigaw sila lahat, hindi ko raw sila pinapansin, sabi pa nila na antagal ko daw sila pinag-antay tapos hindi man lang daw ako marunong pumansin.

So, nagtaka ako sa mga sinabi nila, iyong time na iyon, iyon palang talaga iyong dating ko. Hindi naman ako nagpabalik-balik. Kinilabutan ako sa mga sinabi nila, pati sila hindi sila makapaniwala sa nangyari. Pag-uwi ko sa bahay, sinabi ko kaagad iyon sa parents ko, hindi sila naniwala.

Sabi nila baka pinag-loloko lang daw ako ng mga kaibigan ko o kaya baka kamukha ko lang daw iyon. Pero hindi talaga ako makapaniwala. First time talaga iyon na nangyari sa akin.

Simula noon, binaliwala ko na lang lahat ng iyon, nagpray na lang ako kay God. At kinalimutan lahat, pero noong nabasa ko iyong confess dito na IBANG AKO iyong title, nalala ko na naman iyong creepy na nangyari.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar