Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

KAKAMBAL

By: France

Grade 2 ako noon morning ang pasok ko noon kaya 4 am pa lang gising na ako para makapag-asikaso.

4:30 am bumili ako ng almusal ko habang papalabas ako ng pinto napalingon ako sa gilid ng bahay namin katabi kasi ng bahay namin ang parang apartment na sunog at lasag-lasag na.

So ayon nga pag-tingin ko may nakita akong batang babae kasing tangkad at kasing edad ko lang iyon halos mag-kaparehas kami.

Tinitigan ko iyon tapos hindi ko nakita mukha niya kase natatakpan ng buhok lalapitan ko sana kaso tinawag ako ng Lola ko kaya ayon nawala iyong bata tapos hindi ko na lang pinansin.

Tapos mga 1 week lagi akong nakakaramdam na may sumusunod sa akin. Nagulat pa nga ako friday ng hapon noon uwian namin galing school nag-lalakad ako sa iskinita may mga taong nakatambay doon.

Nagulat ako noong tinanong ako ng isa sa mga nakatambay kung kambal ko daw ba iyong kasama ko.

Tapos sabi ko saan tapos hindi naman sumagot tapos namutla iyong nagtanong sa akin sabi niya, “Ahh wala ang ganda mong bata” tapos dere-deretsyo itong naglakad palayo. Hindi ko na lang pinansin tapos inisip na baliw iyon.

Sabado umuwi ako sa bahay ng mga magulang ko andoon iyong Lola ko sa father side.

Naghuhugas ng plato tapos noong itataob na iyong plato sabi sa akin ng Lola ko, apo paki taob nga ito na sinunod ko naman e noong itataob ko na iyong plato nakita ko ulit iyong bata sa CR namin nakatingn kaso walang mukha.

Natatabunan ng buhok napatakbo ako noon sa takot tapos sumigaw ako na kapag nagpakita ka pa kakausapin na kita. Years past ng wala na akong naramdaman.

Until now, pero nagkakasayahan kami ng barkada ko katabi ko boyfriend ko noon tapos iyong kasama naming may third eye bigla nag salita sabi niya, “May kambal ka pala no? Hindi multo kung hindi isang elementong nakadikit na sa iyo.” Sabi ko, “Hahahahaha! nakikita mo pala?”

Tapos nalaman ko sa Mama ko noong pinag-bubuntis daw niya ako napaglaruan daw siya ng kung ano-anong elemento tapos dumating daw sa punto na tinawid daw ako sa dagat noong baby pa ako para hindi daw ako masundan kasi pilit daw akong kinukuha ng itim na elemento..

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar