Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
Home / INGAY SA BAHAY

INGAY SA BAHAY

img

By: Cathy

Hi ako nga po pala si Cathy, isheshare ko lang po iyong isa sa nakakatakot na experience ko. Noong naputulan kami ng kuryente palagi kaming nakakaramdam ng kung ano-anong elemento tuwing sasapit ang alas 6 ng gabi.
Minsan nagpapakita sa pinsan ko iyong parang gagamba pero iyong ulo niya tao sa taas ng pader ng CR namin. Minsan din ginagaya niya ang mukha ng kapatid kong babae.
Tumagal pa iyon ng 1month kaya medyo nasanay na kami. Until isang madaling araw sa tangtiya ko parang 3am tulog na kaming lahat noon nung nagising ako kasi ang ingay sa labas.
May parang parada, naririnig ko yung paglalakad nila tapos may tugtog na pamparada, may trumpo na tumutunog. Tapos parang ang dami nilang naglalakad, mas kinilabutan ako noong parang may bumulong sakin ng “Geneva” sa bintana which nasa ulohan ko naman.
Sa sobrang takot kinurot ko iyong pinsan ko na nasa tabi ko kasi mas parang papalapit sa akin iyong bumubulong ng word na iyon. Nagising naman iyong pinsan ko tapos hinawakan niya lang ang kamay ko hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan pagkagising niya tinanong ko siya kung narinig niya ba iyong ingay. Tapos sabi niya wala. Tahimik nga raw ang buong paligid, nagtaka nga raw siya kung bakit ko siya ginising.
Alam kong medyo hindi nakakatakot iyan, dahil may mas nakakatakot pa jan na naranasan namin sa bahay namin.
This div height required for enabling the sticky sidebar