Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

Ilog

By: Yvuj Anamag Gniragnam

Sa totoo lang hindi talaga ako naniniwla sa mga sabi-sabi at lalong hindi rin ako nakakakita ng ibang elemento…..

Unang karanasan ko, naalala ko noong bata pa ako. Lima kaming mgkakapatid, iyong isang kuya ko nabulag. Dahil lang daw iyon sa nag-kalagnat noong maliit pa siya. Iyan iyong sabi ng mama ko. Tapos iyong isa ko pang kuya namatay. Dahil sinama siya ng lolo ko sa ilog at nalunod.

Kuwento pa ng lolo ko mabubuhay daw sana iyong kuya ko kong nakuha niya kaagad sa ilalim ng tubig. Ang kaso pag sisid daw niya malaking tao iyong nakita niya. Kaya takot na takot daw siya. Ang ginawa daw niya tumakbo at humingi ng tulong. At iyon nga noong nakahingi na siya ng tulong. Binalikan ulit nila iyong lugar kung saan iyong kuya ko.

At noong sumisid na iyong kasama ng lolo ko, bata na daw iyong nakikita kaya nakuha na nila. Pero huli na ang lahat. Kasi marami ng nainom na tubig at iyong lugar kung saan namatay iyong kuya ko. Maraming sabi-sabi na kumukuha daw doon taon-taon ng tao. Dahil may nakatira daw doon, siguro nga totoo kasi ang ilog na iyon dati ay ngayon ay puro buhangin at bato na lang ang makikita mo wala ng tubig.

Tapos iyong kapatid naman ng mama ko na dalaga naabutan ko pa iyon dati na nabaliw. Kuwento naman nila mama matalino daw iyon. At may nanligaw daw iyon sa kanyang engkanto. Siyempre hindi ako naniniwala kasi bata pa ako noon eh. Pero kinikilabutan ako pag narinig ko ang kwento na iyon.

Pangalawa, tapos ito na. Ako talaga hindi ako naniniwala sa aswang pero madami nagsasabi na may kamag anak kaming aswang. Pero ewan lang ang masasabi ko pag narinig ang kuwento ng iba. Noong nabuntis kasi ako may nanliligaw sa akin na tomboy (single mom kasi ako.). Dinala niya ako sa lugar nila tpos may naririnig na naman akong mga kuwento doon na iyong isa daw nilng kapitbahay eh aswang daw.

Pati nanay at tatay ng tomboy ganon din ang sinsabi. Kaya lage nila sinasabi sa akin na magsuot ng itim na damit tuwing gabi. Kasi nga buntis ako, so iyon nga lagi ko ginagawa. Hanggang sa dumating iyong araw na nagkaaway kami noong matanda na sinasabi nga nilang aswang. Dahil nga naririnig ko na chinichismis niya ako.

Hanggang isang gabi nanaginip ako na nag-aaway daw kami noong matanda at pilit niyang inaabot iyong tiyan ko. Tapos lumalaban daw ako. Kaya kinaumagahan nararamdaman ko na lang na mahapdi iyong likod ko. Tapos pinatingnan ko iyong likod ko. Wala naman silang nakikitang sugat. Pero namumula daw, so natakot na ako bka nga totoo na aswang siya.

Ang ginawa ni tatay naghanap siya ng (byasong). Siguro naman alam niyo yan. Basta para siyang lemon na green. Naghiwa ako at nilagay ko sa panghaplas ko at iyong kalahati binalot ko ng itim na tela. Kasi sabi nila pangontra daw iyon sa aswang. Lagi ko iyong kinakabit sa damit ko. Pero minsan naman nakakalimutn ko.

At sa tuwing nakakalimutan ko iyong byasong na ikabit sa damit ko. Lagi ko napapanaginipan iyong matanda at lagi kami nag-aaway. Paulit ulit iyon nangyayari hanggang sa nanganak ako. Pero umuwi na ako sa lugar namin. Pero hanggang ngayon hindi pa rin ako talaga naniniwala kong may aswang ba tlaga. Kasi hindi pa ako nakakakita sa personal na may lumilipad. Salamat.

 

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar