Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / Haunted Condotel

Haunted Condotel

By: SKAIKRU

July 2017, sa isang condo/hotel sa Mandaluyong ko unang naranasan ang mga nakakakilabot na pangyayari na ito. Anim kaming magkakaibigan na magkakasamang nago-OJT sa isang company sa Mandaluyong kaya nag-rent kami ng room na good for 6 people para hindi hassle, bale tatlong double decks iyon. From province pa kasi kami.

So ayun nga. 3 weeks before kami matapos sa OJT nag-start ako makaramdam ng kakaiba sa dorm namin. Noong 3rd week bago kami matapos nag-start akong magising ng 3:30am. Iyong tipong hindi na ko antok.

Iyong parang kumpletong kumpleto iyong tulog ko ganoon. Noong unang beses ko magising ng ganoon deadma lang. Kala ko nagkataon lang.

Tapos noong second time ko magising ng 3:30am lumingap ako kahit sobrang dilim sa kwarto namin (nasa upper part ako ng double deck) noong mapansin ko iyong ilalim ng pinto namin. Iyong siwang doon.

Iyon lang kasi iyong source of light sa room namin pag-matutulog na kasi lahat kami hindi sanay matulog ng may ilaw. Napansin ko doon sa siwang na may anino na pabalik balik na naglalakad na para bang binabantayan iyong kwarto namin ganoon.

Nakakapag-taka kasi wala namang nagrerent sa room na katapat namin tsaka sa right and left side. And konti lang rin nag-rerent sa floor na iyon.
Isinawalang bahala ko na iyong nakita ko na iyon. Until kinabukasan nagising uli ako ng 3:30am, tiningnan ko uli yung ilalim nung pinto.

Noong una wala naman pero bago ako humiga uli nakita ko na may anino uli na tila ba pabalik-balik na naglalakad sa tapat ng room namin and hindi lang iyon. Nakakadinig na rin ako ng mga bulong.

Pero hindi ko maintindihan kasi yung bulong puro hangin e. Hindi ko alam gagawin ko kaya nagtago na lang ako sa ilalim ng kumot at pinilit na matulog ulit. Hindi nagtagal noon nagkasakit ako.

After ko magkasakit ikinuwento ko na sa mga kasama ko sa room iyong anino at bulong and it turns out na hindi lang pala ako iyong nakakarinig noong mga bulong. After ilang days, natigil na iyong paggising ko ng 3:30am.

Good thing di ba. Not until one day, ginigising ko iyong isa kong friend na itago na lang natin sa pangalang “Cha-cha” kasi maliligo na. Mga 5am iyon. Nagulat ako kasi pag-kagising na pag-kagising niya tinanong niya agad ako “Uy, ikaw ba iyong pabalik-balik dito sa kwarto kaninang madaling araw?” E di ako naman nagtaka. Sabi ko “Ha? Hindi ah. Diresto nga tulog ko e.” Hindi namin alam na nakikinig pala iyong isa naming kaibigan na si “Kian” sabi niya “Ikaw nga Cha-cha iyong pabalik balik e. Gising ako noon. Naramdaman ko rin iyong pabalik-balik dito sa loob. Akala ko ikaw kasi narinig kong tumunog iyong hagdan na parang may bumaba at umakayat.” E di lalo kami ngayon nagtaka at natakot hanggang sa nagising na silang lahat.

Tatlo pala silang nakaramdam noong pabalik-balik sa loob ng kwarto pero walang nangahas na tingnan kung sino dahil natakot doon sa kinuwento ko. After noong pangyayari na iyon, sabay-sabay silang nagkasakit. As in all at the same day. Ako lang iyong hindi nagkasakit kasi nauna na ko nagkasakit.

So dahil nagkasakit nga sila kinailangan nila umuwi ng probinsya para magpahinga muna. Tapos ito na, last 3 days na namin sa dorm. E di naghahakutan na ng gamit at inuuwi.

Hanggang sa last night namin doon, lahat sila uuwi ng probinsya bukod sa akin. Ang ginawa ko pinapunta ko iyong Nanay ko sa dorm ko para may kasama naman ako matulog. Bago kami matulog pinatay na iyng ilaw pero iniwan ng Nanay ko na bukas iyong ilaw sa may shower para daw hindi masyado madilim.

Tapos ayon tabi kami matulog since medyo maluwag naman iyong kama. Bandang 3:30am nagising ako bigla kasi parang umuungol Nanay ko. Iyong ungol na parang gustong sumigaw ganoon. Eh di ako naman medyo nataranta ginising ko Nanay ko.

Nagulat ako kasi noong ginigising ko siya sumagot sya, sabi nya “Gising ako, anak.” Sabi ko “Eh bakit ka umuungol ka diyan?” Sabi naman niya “Basta, Wala iyon. Tulog ka na ulit.”

Eh di natulog naman ako ulit. Kinabukasan ang weird weird ng Nanay ko andoon chineck kung nakadikit iyong double deck sa pader which is hindi naman. Basta ang weird niya.

Since last day na nga iyon, e di pagka out ko sa OJT rekta uwi na ko ng province kasabay ko iyong friends ko.

Tapos pagkauwi ko sabi agad sa akin ng Nanay ko “Alam mo ba kung bakit ako umuungol kaninang madaling araw?” Sabi ko “Bakit?” Tapos sabi niya “E kasi noong madaling araw nagising ako kasi nadinig ko may nagsara ng malakas noong shower room. Akala ko nga ikaw pero nakita ko katabi naman kita. Tapos ramdam na ramdam ko na may naglalakad sa loob ng kwarto pero wala naman akong makita. Ramdam na ramdam ko rin na parang may umakyat ng double deck kasi lumangitngit at umuga iyong hagdan e. Hindii ko lang makwento sayo kanina kasi baka matakot ka. Narinig ko rin iyong gripo sa CR na kusang bumukas. Anak hindi lang kayo ang nasa kwarto na iyon. Buti nalang tapos na OJT niyo at hindi na kayo babalik doon.”

Doon na ko talaga kinilabutan ng sobra. Kasi tugma na tugma iyong sinabi ng Nanay ko sa naramdaman namin doon sa room na iyon, e never naman ako nagkwento sa amin ng tungkol sa mga nararamdaman namin doon sa room na iyon.

Ilang beses namin tinanong iyong mga staff sa condotel kung may multo ba doon. Pero laging ang sagot lang nila ay ngiti. Ngayon alam ko na kung bakit ganun. Kasi alam nila.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar