Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

Full Moon

Mga grade six ata ako noong nangyari to pero hnding hndi ko makalimutan. Nag iinuman sila papa at mga tropa niya noon kasi sadyang lasenggo ang papa ko. Halos gabi-gabi ang inuman at kapag nalalasing na siya lagi nyang naaway ang mama ko sa kung anu anong dahilan at dahil bata pa ako noon hndi ko pa ganung maintindihan ang pinag aawayan nila.

Balik tayo. So ayon na nga mga around 9 – 10 oclock ng gabi na ata iyon at dahil kabilugan ng buwan nag lalaro kmi sa labas ng bahay. Dahil probinsiya kaya ganun ang libangan noong panahon dhil hndi pa uso ang mga cellphone pra mag fb etc. Pero nauhaw ako kaya umuwi muna ako sa bahay para uminum ng tubig.

Pero pag pasok ko sa bahay nakita ko si mama nakaupo sa bangko sa may hapag kainan sa kusina pero ang sama ng tingin nya sa akin. Parang nanlilisik ang mga mata. Sa takot ko tumakbo ako palabas tinawag ko si papa at ang isa kong kuya. At sinabi ko nga ang nakita ko kay mama. Hindi dali-dali rin silang pumasok.

Nagwawala na si mama kaya hinawakan ni papa at ng kuya ko si mama sa magkabilang braso at dinala sa may papag nmin. Pinapaupo nila si mama pero ang lakas ni mama bigla silang napahigang tatlo sa papag dahil nagwawala si mama at hindi nila makontrol si mama. Pero habang nagwawala si mama nagsasalita siya.

Sabi “Pinapabayaan niyo si mama isasama ko na siya. ” naisip ko bigla siguro sinapian si mama noong ate ko na namatay wala pa ako noo, noong namatay ang ate ko. Mga 13 yrs old lng daw ng namatay ang ate ko. Takot n takot ako noon, umiiyak n ako.

At nanlilisik pa rin ang mga mata ni mama. Paulit ulit nya lng na sinasabi na pinapabayaan lng daw si mama kaya isasama niya na lang. Dahil sa komusyon narinig ng kapit bahay nmin kya pumunta rin sila sa bahay para tingnan ang nangyayari at dali dali siyang bumalik sa bahay nila ng makita ang kalagayan ni mama.

 

 

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar