Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

ELEMENTO

By: Cathy
Hi! ako nga po pala si Cathy, isheshare ko lang po iyong isa sa nakakatakot na experience ko. Noong naputulan kami ng kuryente palagi kaming nakakaramdam ng kung ano-anong elemento tuwing sasapit ang alas 6:00 ng gabi.
Minsan nagpapakita sa pinsan ko iyong parang gagamba pero iyong ulo niya tao sa taas ng pader ng CR namin. Minsan din ginagaya niya ang mukha ng kapatid kong babae, tumagal pa iyon ng 1month kaya medyo nasanay na kami.
Until isang madaling araw sa tantiya ko parang 3:00am tulog na kaming lahat noong nagising ako kasi ang ingay sa labas, may parang parada. Naririnig ko iyong paglalakad nila tapos may tugtog na pamparada.
May trumpo na tumutunog tapos parang ang dami nilang naglalakad. Mas kinilabutan ako noong parang may bumulong sa akin ng “Geneva” sa bintana which nasa ulohan ko naman.
Sa sobrang takot kinurot ko iyong pinsan ko na nasa tabi ko kasi mas parang papalapit sa akin iyong bumubulong ng word na iyon. Nagising naman iyong pinsan ko tapos hinawakan niya lang ang kamay ko hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan pagkagising niya tinanong ko siya kung narinig niya ba iyong ingay. Tapos sabi niya wala. Tahimik nga raw ang buong paligid, nagtaka nga raw siya kung bakit ko siya ginising.
  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar