Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

DALAW

By: MM

October 31, 2014, nanonood kami ng TV nang may narinig si Mama na umiiyak na kaboses daw noong pamangkin ko si “RJ”.

So si Mama nacurious siya kasi baka daw pinagalitan na naman si Rj ng Mama niya.

Kahit kasi gabi na pinapagalitan siya tapos pinapalayas or pinapaalis sa bahay nila. 5 years old pa lang si RJ noon. Sumilip si Mama sa bintana pero wala siyang nakita sarado na din bahay nila RJ.

Ako naman (itong pakialamera sumilip din). But sa pagiging pakialamera ko nakita ko iyong bata.

I saw RJ na nakaupo under the tree. Tinuro ko iyon kay Mama. Pinalashlightan ni Mama iyong puno sabi niya nasaan. Tinuro ko pa din.

Naiinis na nga ko kasi nakaputi naman si RJ tapos pinalashlightan na hindi pa din makita.

Tapos sabi ni Mama wait puntahan ko nga. Palabas pa lang si Mama ng pinto biglang tumakbo palayo si RJ.

Natakot na si Mama kaya ayon pumunta si Mama sa bahay nila RJ at tinanong iyong Mama nito kung pinagalitan niya. Hindi naman daw. Saka natutulog na si RJ noon kasi may sakit.

Narealized nila na baka iyong pamangkin ko iyon na namatay bata pa lang.

Tapos sa Apartment na libingan lang siya nilibing sa sobrang tagal hindi na alam kung saan siya nakalibing kaya hindi na siya nadadalaw.

Narealized din nila na November 1 na pala kinabukasan. Kaya nagtirik na lang sila ng kandila.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar