Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

BULONG

By: Baguio

So, call me Baguio, 15 years old, from Tanay, Rizal. Dito nagsimula iyon. Dati, hindi talaga ako naniniwala sa panginoon, sinisisi ko siya sa lahat ng kamalasang nangyayari sa akin.

Tumira kami sa isang apartment, noong una wala pa akong nararamdamang kakaiba sa bahay na iyon ngunit lumipas ang ilang linggo tuwing wala ang Mama ko alam kong hindi lang ako ang tao sa bahay sa tingin ko tatlo kami.

Nagkasakit ako noong (January) naospital ako nagpatingin rin ako sa albolaryo, ang sabi sa akin nito may dalawa daw akong kasama lagi isang mabuti at isang masama.

Noong nagkasakit ako wala akong kasama sobrang sakit ng ulo ko, pumunta akong kusina uminom ng tubig pero lalong sumakit ulo, bumagsak ako at pagapang akong bumalik sa kwarto.

Naramdaman kong sumara ang pinto ng kwarto at naramdaman ko parang may lumapit sa akin at pinunasan ang tumatagaktak na pawis ko nakatulog na lang ako.

Hindi ko sinabi sa Mama ko ang nangyari dahil alam kong hindi siya maniniwala. Matapos iyon ganoon pa rin laging wala si Mama dahil nangangampanya laging sumasara ang mga pinto namin kahit walang hangin at nararamdaman ko rin na may naliligo sa banyo.

Lagi rin may bumubulong sa akin bago ako matulog hindi ko maintindihan pero parang Latin. Noong una hindi ko pinapansin ngunit habang tumatagal lumalakas ang bulong niya.

Lumipat na kami ng bahay Apartment din hanggang nitong (April) hindi ko na kinaya. Galing ako sa bahay ng girlfriend ko 11pm na ako nakauwi pagakyat ko nakauwi na si Mama tulog na siya.

Nagfacebook muna ako. 12pm habang nagfafacebook ako nagsimula na naman iyong bulong pero napakalakas nito tapos pagtingin ko sa pader may nakita akong kulay pulang mukha na may sungay tapos nakangiti, sa sobrang takot ko ginising ko si Mama.

Sinabi ko sa kanya lahat takot na takot ako noon kinilabutan siya, tinawag niya iyong kaibigan niyang albularyo. (By the way iyong kulay pulang mukha madalas kong makita sabi nila Diablo daw iyon).

Pagdating ng kaibigan ni Mama ang sabi niya noong una daw niya akong makita wala daw itim sa mata ko panay puti daw. So ayun tiningnan niya ko ang sabi niya may isang masamang kaluluwa daw na sumusunod sa akin mula sa dati naming bahay.

Binantayan nila ako hanggang sa makatulog. Kinabukasan pumunta ako sa bahay ng girlfriend ko kinausap ako ng Stepfather niya tungkol sa nangyari.

Ang sabi niya sa akin kaya daw ako nalalapitan ng Diablo kasi mahina ang pananalig ko sa Diyos. Binigyan niya ako ng isang papel na naglalaman ng isang dasal “Dasal Kay San Miguel”.

Dasalan ko daw ang isang basong may tubig pagkatapos ay inumin bago matulog. Simula noon nakakatulog na ako ng mahimbing wala ng bumubulong sa akin.

Dahil sa nangyaring iyon natutunan kong maniwala sa Diyos at natuto ang manalig sa kanya.

Hanggang dito nalang po maraming salamat sa pagbabasa.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar