Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / BIYERNES SANTO

BIYERNES SANTO

By: Mr. K

Nong gabing iyon Biyernes Santo araw ng pagkamatay ng panginoon, may inaakyatan kaming bukid as in super taas, tinatawag namin iyang sacrifices, every year po iyan nangyayari.

Madami rin naman pong umaakyat, halo-halo na eh, may mga bata, matatanda, magkapamilya at magbabarkada, iyan iyong mga makikita mo doon, nagsisindi ng kandila, nagdadasal sa tuwing may madadaanan na krus.

To make story short

Isa po ako doon na pumunta makailang beses na rin po kasama mga barkada ko, parang hindi nga sincere iyong pagakyat namin sa bundok kasi, puro pala biruan mga barkada mo eh.

Ang iingay, pati nga ako nadadamay sa mga kalokohan nila, ayon na nga po we back year 2012 gabi ng biyernes.

Pauwi na kami noon, pababa pa kami noon, kasi mataas nga inakyat namin. Mahaba-haba din lalakarin naming pababa, ayon na naman patuloy pa rin sa pag-iingay mga ka tropa ko. Ako na lang ata ang tahimik doon, opo kasi maginaw na rin mga oras na iyon, 3:00 nang umaga.

Nakarating po kami sa amin around 5:00 morning, sa layo ba naman ng nilakad namin. Medyo manghihina ka talaga, doon na ng maka rating sa bahay, naghiwalay na din kasi kami ng tropa ko.

Ok balik tayo, sakto ako lang din mag-isa noon, wala pa Mama at Papa ko, pang-midnight time kasi work nila, bigla akong nanghina as in hinang-hina talaga.

Para akong battery na kakacharge lang na lowbat agad kaya na isip ko dala na rin siguro sa malayong paglalakad.

Kaya noong time na iyon wala na akong malay, noong hindi ko na rin alam kung ilang oras akong naka-tulog noon, maya’t – maya nagigisiing ako pero alam mo iyong gising ka pero tulog ang katawan mo.

Paralysis ata tawag niyan. Iyon nga naninigas ako, gusto kung bumangon kaya lang ayaw talaga parang may pumipigil.

Pero noong medyo, naka-galaw na ako paglingon ko pa kaliwa may naaninag akong shadow na para bang galing sa katawan ko noong time na iyon nagsitayuan na balahibo, ko takot na takot ako noon kasi ako lang din mag-isa.

Pero iyong katawan ko bagsak na bagsak talaga, wala akong nagawa nakatulog ako ulit ng biglang ang bilis ng pangyayari at nangyari ulit, isang shadow na naman na pisil ng mata ko, ayon sa sobrang takot ayoko ng matulog muna ulit kaya tiniis ko iyon.

Kaya ang ginawa ko umakyat ako sa taas namin, two storey kasi house namin, doon kasi ako natulog sa sala namin, sabi ko baka iba na surrounding sa taas kaya natulog ako ulit.

Nang paggising ko ayon nangyari na naman ulit, hindi na naman ako maka-galaw, naninigas ang katawan ko, ang kaibahan lang wala na iyong shadow, makalipas ang ilang araw, nangyayari at nangyayari pa din iyon.

Kaya minsan tumatabi na lang ako sa Mama ko saka sakali sa sobrang takot nanaranasan ko, alam niyo naisip ko noon parang nasundan ako ng hindi maipaliwanag na itim na iyon doon sa inakyatan namin hanggang sa pag uwi.

Tanong ko bakit ako lang, kasi iyong mga katropa ko wala naman sila na pansin na kakaiba sabi nila. Pero sabi ng tropa ko ako lang daw kasi ang pinakatahimik sa lahat, kaya daw siguro ako ang nasundan. Totoo talaga ito, nangyayari at nangyayari ang hindi natin inaasahan.

Ngayon nakakahiligan ko nang maki-halo bilo sa iba, for the past 5 years takot pa rin akong mag-isa.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar