Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

Biyenan

By: Vhie GongYoo

Last saturday ito nangyari madaling araw mga around 1:30 am ng madaling araw. Sarap pa ng tulog ko that time ganda pa ng panaginip ko then all of a sudden bigla lang akong nagising.

Pagdilat ng mga mata ko may nakita akong babae na nakaupo sa kama ko mahaba ang buhok kingki style lagpas balikat nkatalikod siya sa akin. Then maya-maya isang kurap lang bigla siyang nawala, so hinayaan ko na lang.

Pero patuloy akong nagdadasal ng ama namin hanggang napunta sa ave maria.Ttumalikod ako nagkumot as in kumot talaga tapos minuto lang biglang-bigla grabe iyong feeling na may dumikit sa’yo na tao.

Tapos sumisigaw ako walang boses na nalabas hindi ako binabangungut ahhh.. Gising ako at nagdadasal siguro 5mins after ako nagkaboses. Ginising ko kasama ko hindi ko muna kinuwento nangyari sa akin kinabukasan na dahil baka matakot.

So, iyon na nga nagkuwento ako na natakot siyempre siya. Day off ako umalis ako ng bahay sabado ng hapon kinabukasan ng linggo tumawag sa akin iyong kasama ko umiiyak namatay daw biyenan niya nasagasaan nadisgrasya sa motor iyong babaeng nakita ko daw na nakaupo sa kama ko that night siya daw iyon.

Medyo may pagkakulot daw buhok noon. Ask ko siya kung what time nadisgrasya sabi nia 1:30 daw ng madaling araw. Nagulat ako kasi iyon iyong oras na may nagpakita at nagparamdam sa akin.

Posible pala iyon mga Ate at Kuya magparamdam ang taong hindi mo kakilala pero kamag-anak ng kakilala mo. Hindi ko pa naeexpirience na may makita na multo nakakaramdam pero hindi nakakakita that’s the first time na nangyari iyon sa akin.

Ask ko lang po ano po meaning noon totoo ba na kapag nakita or nakakita ka ng multo lagi ka ng makakakita noon?.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar