Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / BIYAHENG BAGUIO

BIYAHENG BAGUIO

Ang isheshare ko naman po sainyo ngayon ay nangyari habang papunta kami sa Baguio…

Hindi ko na maalala ang exact date noong nag-roadtrip kami papuntang Baguio. Basta it was a long long time ago (Highschool ata ako noon). Maaga kaming nagising upang bumiyahe, siguro mga 4am kasi madilim pa noon.

Hinahanap daw ako ng panganay kong kapatid para sabihing aalis na kami. Nakita niya ako sa isang madilim na lugar sa labas ng bahay namin.

Nasa ilalim ako ng isang puno (Acacia) at may kausap ako sa cellphone. “Halika na! Sakay ka na! Aalis na tayo!” ang sabi niya sa akin which is mali.

Masama daw pala mag-tawag sa madilim lalo na’t hindi mo pinapangalanan. Later ko na lang nalaman. Walang nakapansin sa sinabi niya, pati sila Papa at Mama hindi nila narinig para sana sitahin nila Ate ko.

Habang binabagtas namin ang daan, nagrereklamo ang kapatid ko na masama daw ang kanyang pakiramdam, nahihilo daw siya at nasusuka at pinipilit niyang pahintuin ang sasakyan para daw sumuka.

So hininto ng Tito ko ang sasakyan. Ang nakapagtataka dalawa lang ang street light at sobrang dilim ng lugar as in. Tapos wala pang sasakyang dumadaan National Road iyon.

Iyong right side namin kung saan kami huminto sobrang dilim, para bang field. Ewan ko kung bakit dito pa huminto Tito ko of all places.

Pinilit naming isakay ang kapatid ko kasi sobrang dilim talaga, baka kung ano pa mangyari sa amin. So bumiyahe na naman kami, pero ganoon ulit nangyari.

Pinapahinto na naman ng kapatid ko iyong sasakyan, naghihysterical kaya napilitan Tito ko na ihinto iyong sasakyan kasi baka madisgrasya pa kami.

Guess what kung saan kami huminto, sa SEMENTERYO!! Sobrang dilim na nga, sa sementeryo pa! Para bang gusto kaming pahintuin sa mga madidilim na lugar para may mangyari sa aming masama.

Pinilit namin ang kapatid ko na sumakay. At nagdasal muna kami bago umalis. Salamat at nakarating naman kaming ligtas sa pupuntahan namin.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar