Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

BEDROOM

By: JP Desales Trono

Nagsimula ito noong Feb. 6,2017. Araw ng Lunes. Nagtatrabaho ako noon somewhere in Dumaguete City. Nagbabantay ako ng tindahan at stay in ako. Malayo iyong tindahan sa bahay ng may-ari. Nasa gilid kasi ng highway ang tindahan at nasa loob naman ng subdivision ang bahay ng amo ko.

Malayo kung lalakarin kaya minsan nagbabike ako lalo na’t alas dyes ng gabi ang uwi ko.┬áTapos parang nasa ghost town ako dahil walang katao tao sa mga dinadaanan ko.

May mga bahay naman pero hindi nila trip lumabas pag-ganung oras na. Dagdagan pa ng street light na isang kanto ang layo. Ang dilim tapos napakatahimik pa. Pero hidi yan iyong kuwento ko.

Feb.6 . Ito ang first day ko. Dahil 3-4 hours ang biyahe mula samin papunta doon, 1pm na ako nakarating. Pagdating ko wala nang pahinga. Pero siyempre konting interview muna.

Ang bahay nila ay dalawang kuwarto lang. Iyong isa ay sa kanila at iyong isa naman ay sa katulong nila. Siyempre doon ako sa kuwarto ng katulong. Hinatid ako ni Ate sa kuwarto namin para mag-ayos daw ng gamit. Noong mag-isa na ako doon, biglang may sumitsit.

Siyempre lingon-lingon ako kung may tao sa loob pero wala. Maya-maya may sumitsit na naman. Pero matagal natapos. Parang lalaking malaki iyong sumitsit dahil malaki iyong boses.

Naisip ko, isa lang naman lalaki dito. Iyong anak ng amo ko pero bata pa iyon eh. 6 years old pa lang tapos tulog pa sa oras na iyon. Seaman kasi asawa ni Ate kaya wala doon. Tsaka dalawa lang ang anak niya babae at lalaki pero malilliit pa.

Kaya kinabahan na ko lalo na’t sumitsit pa ulit. Iyong parang nang iinis. Kaya iyon lumabas na ko sa kwarto. Sinabi ko nalang kay Ate na mamayang gabi na ko mag aayos dahil excited na ko magbantay sa tindahan. Inisip ko nalang na gripo iyon sa CR. Baka sira iyong gripo. Iyong CR kasi na para sa amin ay napapagitnaan ng kuwarto namin at kuwarto nina Ate. Bali magkaharap ang mga kuwarto namin at nasa gitna iyong CR.

Gabi na. Dahil bago pa ko, sinasamahan pa ko ng kasambahay nila na tawagin nalang nating Pea. Siyempre hirap na magtiwala ngayon. Hindi pa nila ako kilala ng husto. Isang taon lang ang tanda ni Pea sakin kaya magkasundo kami agad.

Iyon nga gabi na, umuwi na kami. Nagbabike kami. Ako nagdadrive tapos nakaangkas siya. Medyo chubby siya kaya hirap ako magpedal kasi mabigat. Kaya nagreklamo na kong ang sakit na ng tuhod ko. Nagpahinga kami saglit gilid doon sa bahay na parang walang nakatira dahil ang dilim.

Maganda naman sana. Nasabi ko nga sa oras na iyon na sana ganito design ng bahay namin. Ang cute kasi tingnan. Narinig ko na may kumalabog sa loob kaya napalingon ako. Parang wala nga talagang tao.

Dahil nakakandado sa labas tapos may walis tingting pa sa gilid ng pinto. HIndi ko nalang iyon pinansin. Naglakad na lang kami dahil ang sakit ng tuhod ko kakapadyak. Tulak-tulak ko yung bike at slowmo lang kaming naglalakad dahil nagkukuwentuhan pa.

Pero iba iyong pakiramdam ko. Parang may nakatingin sakin mula sa likuran ko. Feel ko galing dun sa bahay na walang tao. Tapos parang may force na humihila sakin palingon sa likod. pinipilit ko talagang ayaw lumingon dahil natatakot na ako at tumatayo na mga balahibo ko sa batok.

Pagdating namin sa bahay nauna na ko sa kuwarto dahil marami pang nilinis si Pea sa kusina. Tulog na din sina Ate. Naligo ako at nag-ayos ng gamit ko. Hindi pa din pumasok si Pea dahil nag-FB pa sa sala. Wala kasing connection sa kuwarto.

Ayan na naman. May sumisitsit na naman. Hindi ko na lang pinapansin at iniisip na gripo lang iyon. Kahit hindi naman talaga abot ang tunog ng gripo doon sa loob ng kuwarto. Noong hindi tumigil ang pagsitsit ay lumabas na ko. Nagfacebook na lang din ako.

Araw-araw kasing umaalis sina Ate sa bahay at gabi na uuwi. Nabagot siguro dun si Pea kaya doon siya tumambay sa tindahan. Dahil pareho naman kaming madaldal, nagkukuwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Noong wala na gaanong topic, naisip ko iyong sumisitsit sa akin. Naisip kong itanong yun sa kanya.

“Pea sira ba iyong gripo sa CR?”

‘Bakit?’

“May naririnig kasi akong parang sumisitsit. Naisip ko baka tubig iyon sa gripo.”

Tumawa siya.

“Wala namang sira yung gripo. Pero iyong sumisitsit sa iyo totoo iyon.”

“Huh?”

At ayon inexplain niya. Lahat naman daw sila na nakatira doon ay sinisitsitan kapag mag-isa sa kuwarto na iyon. Pati nga din sya naririnig niya iyon minsan. Pero nasanay na daw siya kaya hindi na siya natatakot.

Hindi naman daw nananakit eh. Sabi pa niya. “Masasanay ka din.” Paiyak na ako. Takot na ko umuwi. Sinabi ko nga na dito na lang kaya ako sa tindahan matulog.

Kaso hindi daw puwede. Sabi din iya na pati mga kapatid ni Ate tsaka mga magulang ng asawa niya ayaw pumasok sa kwartong iyon. At lalong ayaw matulog doon. Mas gugustuhin nga nila na sa sala na lang matulog kesa doon sa kuwarto namin. Natatakot daw kasi sila.

Eh madaldal nga si Pea, kinuwento niya kay Ate ang sinabi ko. Pag uwi ko tinanong ako ni Ate kung totoo ba iyon. Kaya paluha-luha akong nagkuwento sa kanya. Ganyan kasi ako magkwento ng mga experience ko.

Pagkatapos kong mag-kuwento ay tinawanan ako ni Ate. Bakit daw ako matatakot eh hindi ko naman nakita. At may kinuwento din sakin si Ate. Sa bahay pa din nila. May nakita daw siyang babae na nakaputi at mahaba ang buhok pero walang mukha. Tumindig na lahat ng mga balahibo ko.

“Ate huwag ka namang manakot”

“Sinasabi ko lang iyong totoo”

Tinatawanan lang nila ako nilang dalawa ni Pea.

Tinatanong namin kung saan niya nakita pero secret lang daw. Ayaw niya daw kami takutin eh. Pinipilit pa nga namin siya pero ayaw niya talaga sabihin. Basta dito niya lang daw nakita sa bahay.

Binigyan pa niya kami ng clue. May pinto daw eh. Basta blockout nang mangyare iyon. Binuksan daw niya ang pinto na iyon dahil may kukunin siya. Habang nagfaflashlight daw siya, iyon nga nailawan niya iyong babae na nakaupo sa hindi niya sinabi kung saan nakaupo.

May hindi naman matatakutin si Ate kaya nilapitan niya. Nakafocus lang daw ang flashlight doon sa babae. Pero noong nilapitan na niya bigla daw nawala iyong babae. Nakangiti pa siya habang kinikuwento iyon.

Tinanong namin siya kung natakot ba siya pero hindi naman daw. Kasi hindi naman daw siya sinaktan. Ang dapat daw katakutan ay iyong mga buhay dahil iyon ang nananakit.

Basta idadasal lang daw namin kung sino man iyong nasa kuwarto namin. Tsaka kausapin lang daw namin dahil nagpapapansin lang iyon.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar