Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

Banyo

I’m Anna, 17 years old. Meron akong kuwentong galing sa pinsan kong lalaki. Nurse daw iyong kaibigan niya. Ngayon sa hospital nila may haunted girls comfort room.

Kahit nga daw mga janitor saglit lang na naglilinis tapos madami pang kasama dahil sa sobrang natatakot daw sila sa banyong iyon. Nasa 2nd floor daw iyon, kaso nalimutan noong kaibigan niya nasa 2nd floor pala siya dahil sa sobrang naiihi na siya. (Hindi ko naitanong iyong name ng kaibigan niya.)

Maka-Diyos daw itong kaibigan ng pinsan ko. So ayon, pumasok siya sa CR at umihi. Paglabas niya ng cubicle, naghilamos siya at pagkatapos niyang maghilamos, may nakita siyang babaeng nakaitim sa dulo ng cubicle.

Nakita niya iyon through the mirror na nasa harap niya. (Iyong structure ng mga pang-babaeng banyo diba may mahabang salamin na square kaharap iyong lababo tapos kita hanggang dulo ng cubicle).

Hindi daw naka-lapat iyong mga paa ng babae sa sahig tapos parang abo iyong balat niya na may medyong crack sa balat. Pulang-pula iyong mga mata niya.

Tapos nakangiti. Unlike sa mga kalimitang ghosts na hindi nakikita iyong mukha dahil sa haba ng buhok, itong isang ito makikita mo daw talaga iyong mukha niya. Noong una, hindi daw siya natakot kaya nag pray siya ng Our Father.

Habang nagp-pray, medyo nasa kalagitnaan na siya ng pagdarasal, sinabayan daw siya noong babae. Habang tumatagal bumibilis iyong bawat bigkas noong babae hanggang sa nakakailang ulit na siya.

Nagimbal daw iyong nurse kaya tumakbo na siya palabas, habang tumatakbo siya, narinig niya daw na tumatawa iyong multo habang unti-unting lumalapit sa kanya.

Ngayon sinisigurado na niyang nasa ibang floor siya kapag naiihi na siya.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar