Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / BABAE SA TULAY

BABAE SA TULAY

By: Airabels

Madilim na noon mga 12mn November 2, 2016. Hinahanap namin ang nawawala kong Tita sa dahilang nakipagtanan po siya sa pagbabakasakaling matatagpuan namin siya sa dati niyang pinagtatrabahuhan sa Sto.Niño Lipa Batangas.

Walang atubiling nagpunta kami doon kahit sobrang lalim na ng gabi ngunit bigo kami wala doon ang aking tiyahin ko. May nakapagsabi sa amin na nasa Cavite daw siya.

Pauwi na kami noon sa bahay namin sa kasamaang palad walang dumadaan na sasakyan kaya napilitan kaming maglakad. Palusong kami ng tulay ng makaramdam ang Mama ko ng kilabot sinabi niya huwag na tayong tumuloy diyan (tinutukoy ang paglalakad sa tulay).

Pero walang nakinig lumapit ako kay Mama at hinawakan ko siya sa kanyang braso naramdamam ko ang panlalamig ng kanyang katawan. Pagdating namin sa gitna ng tulay doon na nangyare ang kababalaghan hindi na kami makaahon may pumipigil sa amin makaakyat sa taas.

Kitang-kita namin ang isang babaeng nakaputi duguan ang mukha at isang mata lang ang kita hawak-hawak niya ang paa ng Mama ko at pilit na hinihila papunta sa gilid ng tulay.

Para siguro ihulog hinawakan kong kamay ni Mama pilit ko siyang hinihila paitaas pero kahit ako’y sinaktan din ng babaeng iyon pinagkakalmot niya ako sa braso. Sumigaw kami ng sumigaw hanggang sa may lalaking bumaba at nagsaboy ng asin doon kami nakakita ng pagasa na makaliligtas kami.

Pinapasok niya kami sa kanyang bahay at nagkuwento na mayroon daw babaeng pinatay at itinapon lamang sa tulay. Ipinahatid kami ng lalaking iyon sa kakilala niyang tricycle driver.

Kitang-kita ng Mama ko ang babae sa tulay na nakasampa sa likod ng tricycle na sinasakyan namin. Pero nawala din ito ng makarating kami sa aming bahay pero hindi doon natapos ang kababalaghang iyon nagwala ang Mama ko huwag daw namin siyang hahawakan.

Sabi naman ng Tita ko sumapi daw kay Mama iyong babae sa tulay. Tama siya dahil nakita ko din iyong babae nakasilip sa butas ng pinto namin.

 

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar