Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img
Home / Filipino Horror Stories / Babaeng Itim

Babaeng Itim

By: Mark

Noong grade 5th pa lang ako. Ako at nakaranas ng isang matinding at nanakakatakot na pangyayare na hindi ko malilimutan sa aking buhay.

Nilalagnat ako noong gabing iyon. Binabantyan ako ng aking Mama at Papa, hanggang sa nakatulog sila sa aking tabi. Ako’y nagising ng madaling araw na 3am.

Bumangon para umihi sa cr. And then hinawi ko ang kurtina na harang sa tarangkahan ng cr namin nagulat ako, noong paghawi ko ng kurtina may nakita akong anino na na tila 5″ 12 ang height nito purong itim lang ang nakita ko aninong-anino lang talaga pero may sungay ang aninong ito.

Napasigaw ako at tinawag ang aking magulang, nangangatog ako sa aking nakita.

Kinaumagahan naman mga parteng 8am. Ako’y nakakumot at nakatalakbong sa buong katawan ng biglang merong humila sa aking paa. Hindi ako makakilos sa kadahilanang ako’y hinang-hina dahil may sakit pa din ako noong oras na iyon.

Gusto ko man tingnan kung sino humihila sa akin hindi magawa kaya. Natulog na lang ako ulit hindi ko iyon pinansin at pagdating naman ng hapon at nagising ako bigla.

Dahil ako’y panaginip na merong demonyo na gusto kumuha sakin. Pero hindi niya ako makuha kuha dahil lumalaban ako sa kanya .

Hanggang sa sinabe ng demonyo na ang mga magulang ko na lang daw ang kukunin niya. Kung kaya’t ako’y napabalikwas sa aking higaan .

Pagkagisng ko ay naglalaba ang aking ina at ang aking naman ay nasa trabaho pa.

Lumapit sa akin ang aking ina sabay sabing “Kumain ka na diyan nak, nakahanda na ang tanghalian”..

Ang sabi ko naman ay, “Mamaya na po Ma, wala pa ako gana kumain.”

Pagkatapos noon ay nakatayo ako sa harapan ng salamin. Ako’y nananalamin, wala pang 3seconds biglang meron nagpakita sa salamin mula s aking likod na matandang babae naka-kulay belo na itim.

Nakkatakot ang itsura niya na halos ikamatay ko sa takot hindi ako makasigaw at makakilos. Hanggang sa napansin iyon nang aking Mama na namumutla ako kung kaya’t pinatawas niya ako.

At noong pinatawas niya ako lumabas doon sa tawas na gusto kuhain ang katawan ko ng isang espiritung mangkukulam na itim.
Tumugma lahat ng sinabi ng albularyo sa mga nakita ko.

At binigyan niya ako ng pangontra .
Kaya simula noon hindi na ko sinundan ng babaeng nakaitim.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar