Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

BABAE

This is base from my true to life experience. Noong una natakot ako pero kalaunan ay nakasanayan ko na din.

19 years old na ako ngayon, At nangyari ito mahigit isang buwan pa lamang ang nakakalipas.

Nagtrabaho ako sa isang Garments Company kasama nang aking matalik na kaibigan. Stay-in kami. At iyong apartment na pinagstayan namin ay may mga bago ding salta.

Mga unang linggo namin nang kaibigan ko sa trabaho ay maaayos naman. Uuwi kami galing trabaho, kwentuhan tapos magkukulitan.

Isang gabi, nagkukwentuhan kami ng kaibigan ko gaya ng nakagawian namin. Una, patungkol sa love life patungo sa mga pangarap namin sa buhay. Mag aalas-otso na kami nakatulog.

Natulog siya sa may itaas na palapag ng double deck samantala ako ay sa ibaba. Mahimbing naman ang pagkakatulog ko ng naalimpungatan lang ako ng eksaktong alas dose nang madaling araw.

Paano ko nalaman?

Sinipat ko muna kasi iyong oras sa cellphone ko. Ang akala ko kasi ay tanghali na. Antok pa ako noon nang mapansin ko may tao sa gilid ng kabinet.

Iyong tipong nasa gilid siya nakasuksok at nakatalungko doon. At dahil sa madilim ang paligid ng kwarto dahil patay ang ilaw ay hindi ko maaninag kung sino.

Maya maya ay naririnig ko itong umiiyak, Kaya napagalaman kong babae ito at baka ang magaling kong kaibigan lang ito na nagdadrama nang dis oras nang gabi.

” Beh, anong oras pa lang? Maaga pa. Matulog ka muna. ” iyan ang eksaktong sabi ko bago muling matulog.

At dahil sa antok na antok pa ako ay madali akong nakatulog.

Kinaumagahan ay sinermunan ko iyong kaibigan ko patungkol sa drama niya kagabi at nagulat ako sa sinabi niya.

” Huh? Ano ka ba beh? Sarap kaya ng tulog ko kagabi. Tsaka hindi porket naghiwalay kami ng boyfriend ko ay magdadrama ako at dis oras pa ng gabi noh!”

Kapwa kami natigilan.
Sino iyong babaeng nakita ko? At talagang kinausap ko pa?

PS: Kapag makakaencounter kayo ng ganyan huwag niyong kakausapin dahil may mangyayaring masama kapag kinausap din kayo ng mga ganoong bagay.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar