Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

ATE

By: Admirermoto

Share ko lang Experience ko din. Pero hindi siya ganoon totally nakakatakot.

Nangyari ito when I was 3 or 4 y/o.

Nakatira kami sa Bahay noon ng Lola ko na nanay ng Mommy ko.

Gabi noon at nanunuod kami ng kuya ko sa Baba ng Wrestling.

Ang tanging bukas na lang na ilaw iyong sa may lamesa tapos nakapatay na ang ilaw lahat. Hindi naman ganoon nakakatakot ang paligid noon kase maliwanag talaga ang ilaw sa Dining namin.

Nakaupo kami ng kuya ko sa Sala at sa sahig naman natutulog na iyong pinsan namin at Tito. Maya-maya lang umakyat bigla si Kuya siyempre hindi ko alam ang gagawin noon.

Matatakutin ako noon pero nilabanan ko. Hindi ko pinatay ang TV at sumilip muna sa taas. Madilim ang taas. Iyong hagdanan kasi nasa part ng Tita ko tapos bandang dulo pa iyong part namin.

Bumuwelo na ko noon patakbo paakyat ng tumakbo na ko napatigil ako dahil may nakita akong batang babae! Imbis na matakot wala kong naramdaman noon kase I thought it was my Cousin! Dahan dahan akong umakyat at tinawag ang pinsan ko.

“Ate….Ate?” Nilakasan ko na boses ko para marinig niya.

Pero walang sumagot nang makarating ako sa taas sumilip ako sa pasilyo kung saan diretsong tumakbo si Ate pero pagsilip ko doon.

BOOM!…WALANG TAO!

Nanlamig ako noon at dali-daling tumakbo papuntang kwarto namin nang makarating sa kwarto kinuwento ko kay Mommy ang nangyari pero sabi niya guni-guni ko lang daw iyon. Pero I know Totoo ang nakita ko kasi hindi ko naman siya pagkakamalan na pinsan ko ko kung guni-guni ko lang iyon.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar