Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

APARTMENT

Real life ko po talaga ito. 8years old ako noong bagong lipat kami sa bahay na uupahan namin. Malaki ito at halatang mayaman dati ang may-ari dahil sa laki ng garahe at dami ng kwarto at up and down pa medyo may kalumaan na rin siya.

Nagulat parents ko kasi sa sobrang lawak ng uupahan namin is 1k a month pero ang sabi ng may-ari nito ay huwag daw kami pumunta sa 2nd floor. Hindi ko alam kung bakit basta sabi huwag daw namin gagamitin iyon.

In a few days maayos naman pamumuhay namin. Pero ng makalipas ang ilang linggo nakakaramdam na parents ko dahil habang tulog daw kami is may nagtatakbuhan daw sa taas so dahil bata pa ako noon hindi ko pinansin.

Isang araw kami lang ng Mama ko sa bahay, si Mama nag-wawalis sa labas ako naman nanunuod ng TV sa loob. Habang nagwawalis Mama ko nakita niya daw akong naglakad papunta sa likod bahay namin sa bandang gubat.

Nagulat Mama ko dahil noong susundan niya daw iyong doppel ganger ko na pala at nakita niya ko sa loob. Ngayon si Mama pinuntahan ako at tinanong ako kung umalis daw ba ako ang sabi ko hindi.

Kaya na bahala si Mama simula noon nag-patulong nasi Mama sa kaibigan niyang matanda na may third eye. Hindi ko alam pinag-usapan nila pero mukhang napaka-seryoso lagi na ako nababahala noon pagkatapos.

And then one day pagka-uwi ko sa bahay galing school binuksan ko kaagad iyong TV pero ng may naramdaman akong may nakatingin sa akin ay agad akong tumakbo sa garahe (ako lang po lagi magisa sa bahay hangang 7:40pm ).

Takot na takot ako noon dahil alam ko na may nagbabadyang kapahamakan sa akin pagpumasok ako. Dumating na Mama ko at agad akong tinanong kung bakit ako nasa labas ang sagot ko naman, “Mama, may kukuha sa akin sasaktan niya ko” umiiyak ako habang sinasabi sinasabi ko iyon.

One time naman nanunuod ako sa loob at nakaramdam ako na naiihi ako so ako punta sana banyo ng biglang nakita ko sarili ko na nakatalikod papunta sa banyo hindi ko alam na iyong sinusundan ko is multo pala.

Pumasok siya sa banyo tapos sinara niya, then ako naghihintay na lumabas siya ng biglang dumating Mama ko galing grocery at tinanong ako kung ano daw ginawa ko sabi ko may hinihintay ako lumabas sa banyo iihi ako eh.

Pero ng buksan ng Mama ko iyong pinto sa CR walang tao sa loob tsaka ko lang na realize na multo pala iyong kanina ko pa sinusundan at hinihintay simula noon lagi na ko takot at balisa. After 3 years nag-decide na si Papa na lumipat kami dahil tapos na iyong pinagawa niyang bahay.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar