Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :

Antagonist

img

Hi po! I’m George 15 years old. Isha-share ko lang ang nakakatakot na experience way back when I was 13 years old.

Hindi ako naniniwala sa ghost o mga white lady at marami pang iba na maligno sabi nila.

Hindi ko gaanong gusto ang mga horror movies or stories kasi matatakutin ako (palagi kasi akong tinatakot nila Kuya ko noong bata pa ako kaya parang nag-karoon ako ng phobia).

So iyon nga, nasa may kusina ako noon at umiinom ng tubig, kakatapos lang kasi naming manuod ng mga Kuya ng horror stories. Hindi ko maalala ang tittle ng movie.

Pero naalala ko naman kung ano ang itsura noong antagonist o iyong babae na nananakot. I think sadako ata iyon kasi para siyang spider kung makakapit at mag lakad sa dingding. Mahahaba ang buhok at maputla ang kutis, itim din ang mata at nag lalaway ng dugo.

Hindi ako maka-getover sa kanya kaya napag-desisyunan ko nang matulog. Sila ni Kuya ko nanuod ulit na horror movie.

Paakyat ako ng hagdan ng may unti-unti ako nakikitang buhok, hindi ko lang ito pinansin at nag-patuloy ako sa pag-akyat.

Ganun nalang ang panginginig at pinag papawisan na din ako ng malamig nang makita ko ang babaeng kanina ko lang pinapanuod sa t.v. Pang- gagamba ang posisyon niya at nakatingin sa akin.

Hindi ko alam ang gagawin ko na istatwa ako, hindi ako makagalaw dahil palapit ng palapit siya sa akin. Gusto kong sumigaw at tumakbo pero hindi ko makagawa.

Napasigaw nalang ako ng may humawak sa balikat ko, si Papa lang pala. Tinanong niya kung anong nangyare sakin at pinag papawisan ako, saglit akong napasulyap sa hagdan pero wala nang tao.

Niyakap ko si papa at umiyak ako. Simula noon palagi na akong tumatabi sa kanila ni Mama at Papa kasi natatakot ako na baka bumalik ulit siya.

Hanggang ngayon napapanaginipan ko siya pero i believe in God, lagi lang akong nag-pray bago matulog at nakakatulong ito para mabawasan ang takot ko.

I don’t know if totoo nga iyon pero hanggang ngayon hindi pa din ako naniniwala sa mga ghost. Nadadala lang siguro ako takot kaya kung ano-ano na ang na iimagine ko.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar