Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views : Ad Clicks : Ad Views :
img

Abby

Hello po, share ko lang po ung experience ko with my bestfriend. Ako po c May, friend ko c Abby.

One time po nag punta kami ng ilog dalawa lang kami gusto kasi namin na mag bonding na dalawa.

Naligo kmi..aahon kakain ng mga tinapay na dala namin, tapos ligo ulit, 3:00 pm kami nag-umpisang maligo para hindi na masyadong mainit, 4:00 pm na sarap na sarap pa kami sa pag ligo namin.

Hindi namin namalayan medyo gumagabi na tapos medyo umaambon ambon pa nun kaya nung gininaw na kami umahon na kami.

Nag lalakad na kami pauwi samin ng may naalala c abby, yung cp daw niya naiwan babalikan daw niya, tara sabi ko samahan na kita, huwag na best ako na lang hintayin mo na lang ako dito, alam mo naman ayaw ko mapagod ka eh..sabi niya sa akin.

Anu ka ba best ok lang tara sabi ko sakanya..huwag na dito ka nlang best ako na lang babalik, tapos tumakbo na siya hindi ko na napigil napa-iling na lang ako, si best talaga ang kulit. Hinintay ko siya bumalik, 5 mins, 10mins, 1 hour, wala pa nag pasya na akong sumunod sa kanya nung malapit na ko sa ilog n kita ko na c Abby nag-lalakad papunta sa akin, nakayuko lang sya.

Best kala ko  nalunod ka na, ang tagal mong bumalik..wala lang siyang kibo, tiningnan ko siya parang namumutla siya, best ok kalang? Tanung ko sa kanya..tumango lang siya skin, may problema ba? Umiling lang siya. Hindi ako mapakali kasi ang daldal ng best ko eh, inicip ko na lang na baka may na tanggap siyang text na hindi maganda kaya siya nananahimik. Hinatid ko na siya sa kanila madilim na kasi saka ako umuwi sa bahay.

Nag-banlaw na ako ng katawan at nag bihis na. Ang tagal din pala namin naligo kasi nung tiningnan ko yung oras 8:30pm na, kumain na ako ng hapunan at nahiga sa kama. Maya-maya na text sa akin mama ni Abby, kasama ko daw ba siya.

Nag-reply ako na kanina po kasama ko siya pero hinatid ko na po siya diyan sa inyo. Nag text ulit mama niya na anak wala pa c Abby dito, tinatawagan namin hindi naman sumasagot. May nasabi ba siyang problema sayo?

Wala naman po Tita, wait lang po ako po tatawag. Reply ka naman, tinawagan ko si Abby ring lang ng ring phone niya, inabot na nang umaga hindi padin daw siya umuuwi, isang text ang nag-pagimbal sakin.

Text ng mama niya na nagagalit sa akin ano daw ang ginawa ko sa anak niya. Nag-punta agad ako sa kanila dahil nag-tataka ako sa text ni tita. Sabi ng mga kapit-bahay nila nasa ilog daw c Tita nakita na daw c Abby.

Tumakbo ako sa ilog nabigla ako bakit nakahiga c Abby at yakap-yakap ni Tita..Lumapit ako nagulat ako kasi matigas na si Abby. Naiyak na ako at naki-yakap na kay Abby. Tinanong ako ni tita kong anong nangyari sinabi ko na nag-picnic nga kmi sinabi ko lahat pati pag-balik ni Abby sa ilog at kinuha yung phone niya. Napag-alaman na namulikat daw si Abby habang tumatawid para balikan ang cp niya kaya nalunod ito.

Nasa kabilang pampang kasi kami nag-tambay kaya nandun yung mga gamit nmin. Ang sakit ng nangyari, halos hindi ako makausap ng maayos sobra akong nasaktan s pagkawala ni Abby. Halos 2 years ng patay c Abby pero yung presensya niya ramdam ko pa din.

Lagi niya akong sinasamahan lagi ko siyang nararamdaman at yung amoy ng pabango niya lagi kong kasama. Nung una takot n takot ako pero nasanay din ako, nasabi ko na lang na yung bestfriend ko talaga ang kulit. Siya ang bff ko, kahit nawala siya hindi niya parin ako iniiwan.

  • Facebook
  • Twitter
  • Google+
  • Linkedin
  • Pinterest

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This div height required for enabling the sticky sidebar