WRITER

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Yssa Santos

Me and my husband were really excited. Aaminin ko, yung excitement na yun eh hindi dahil sa workshop (well, partly, dahil it was the very first workshop na aattendan ko/namin sa pagsusulat).

Kundi dahil sa mga tao at guest na maaari naming makita at makasama, particularly ay yung mga idol naming writers.

Then it came, yung mismong araw ng workshop! Ang aga naming gumising nun dahil humigit-kumulang dalawang oras ang biyahe paluwas pa lang ng kamaynilaan (were from Bulacan).

Tapos first time naming pumunta ng UP. Adventurous kami ng husband ko, kahit na noong mga college student pa lang kami, so we didn’t bother na magtanong ng way.

Sa SM North Edsa kami bumaba galing sa bus. Then from babaan, sabi ko..for sure eh nasa paligid lang ang sakayan papuntang UPD dahil QC naman yun.

So sabi ko sa husband ko, “Lakad-lakad muna tayo, hanapin natin yung mga sakayan ng jeep.”

“Alam ko kung saan, dun din ako sumakay papuntang Ombudsman noon.”

Lakad… lakad… lakad…

Hanggang sa marating namin yung sakayan sa bandang unahan, na may nakahang na signage sa itaas saying ‘UP Diliman. Ako naman noon kinilig na ewan, kasi bilang probinsyana, may dugong manunulat at kung anu-ano pa.

Aba! eh pangarap ko talagang makatungtong ng UPD! Hindi niyo ako masisisi, dahil abot-langit talaga ang paghanga ko sa mga estudyante ng UP lalo na yung mga writers at aktibista.

“Ano, sasakay na tayo?”

“Eh ikaw… gusto mo bang kumain muna? Kaya lang 12:30 na eh, magsisimula na yun.”

Little did I know, there was a guy pala na nakikinig saming pagtatalo kung sasakay na ba o hindi pa.

Nahiya ako ng kaunti kasi mukhang sasakay siya sa jeep, eh nakaharang yata kami.

“Ay sorry kuya,” kako sabay tabi.

“Oks lang, pupunta kayo sa workshop?” Tanong niya.

Tumango lang ako sabay ngiti. Nakaramdam ako ng pagkaexcite, kasi mukhang may alam siya sa event!

I turned to look for my husband na ang alam ko noon eh nasa likod ko lang, pero wala sya. Iginala ko pa yung mata ko sa mga stall na nandoon at nakita ko syang bumibili ng inumin.

Kakausapin ko sana si kuya, para sana magtanong about sa event…pero nawala sya. I assumed na sumakay na siya nung jeep kaya pinuntahan ko na lang yung asawa ko at nakibili na rin ng inumin.

Fastforward.

Wala namang interesting na nangyari sa pagsakay at sa buong biyahe namin sa jeep papuntang UP maliban sa mga nakasporty outfit na feeling ko ay gustong magjogging sa UP ng katanghaliang tapat.

Nung makarating kami sa loob ng UP, pinili naming bumaba sa lugar kung saan may tindahan. Gutom na kasi talaga ako noon at trip ko na kumain ng burger.

Mula doon, kita mo ang isang parang field kung saan may mga estudyante na nagkukuhanan ng pictures. May naglalaro ng football. May mga pagulong-gulong lang sa damuhan.

May couples. At si Kuya. Nakita ko siyang lumalakad papunta kung saan. Gusto ko man siyang tawagin, ayoko namang mag-ala-Tarzan doon at magsisigaw dahil ang layo niya.

Yung tindahan pala na yun eh malapit sa isang Hall na nakalimutan ko na ang pangalan.

Nung makakain na kami, napagpasyahan naming lumakad-lakad. Hanggang sa mapagod, at humingi na ng tulong sa Ikot.

“Kuya pababa sa tapat ng Molave ha,” kako.

Baba. Lakad. Hanap. At sa wakas, nahanap na namin ang Melchor Hall!

Saktong pagdating namin doon, kakatapos pa lang pala ng morning session kaya hindi naman kami late.

Yung husband ko, ayaw sumama sa loob, ako na lang daw ang pumasok. Ang balak niya, gumala sa UP habang ginaganap ang workshop. Gusto raw niyang libutin ang mother chapter ng kapatiran niya at balak pang maghanap ng mga kapatid niya.

So ako, pumasok na. Pinili kong umupo sa gilid kung saan tabi ng aircon dahil namamawis na talaga ang kili-kili ko noon ng todo-todo.

May tumabi sa akin. Walang iba kundi si Kuya! Napangiti ako sa kanya.

“Sabi na involved ka rito eh,” kako. “Nagsusulat ka?”

“Ah,” natawa siya. “Medyo. Noon. Dati. Ngayon hindi ko na magawa e…”

That time, wala pang gaanong nasa loob. Lima o apat palang yata kami kasama na si Kuya. Magkakahiwalay pa kami ng upuan, as in.

Noon, feeling ko gusto kong magsisi na sa tabi pa ako ng aircon lumagay. Para kasing natuyo yung pawis ko at giniginaw na ako, manipis pa naman ang suot ko noon.

“Ah ako hanggang ngayon gora pa rin, mula elementary pa!”

FC (Feeling Close) ako noon kay kuya dahil hello, writer siya. Iba kasi kapag kapwa mo manunulat ang kausap mo, hindi ka ngangangahan sa kawirduhan mo.

Ituloy ang kwento.

Nagpakilala ako sa kanya. Kako ako si Yssa. Siya naman daw si Francis Palao (hindi tunay na pangalan).

Nagpaalam siyang magsi-CR noong medyo nagpapasukan na yung ibang tao. Hinintay ko syang bumalik pero natapos yung workshop ng wala ni ha o ho man lang mula sa kanya.

Sa isip ko, baka sa ibang upuan na siya umupo dahil baka nahiya na syang maglakad sa gitna habang on-going na yung workshop. Baka kako sa dulo na siya umupo or somewhere up there.

Yung inuupuan ko kasi, mga fourth o fifth row lang mula sa harap. Tapos elevated pa yung mga upuan sa Engineering Theater. Kaya kung nasa bandang unahan ka, its quite hard na makita yung mga nakaupo sa itaas.

Breaktime. After two hours ng workshop, nag-‘recess’ kami. Nakita ko sa labas ng theater yung husband ko na nakatambay sa tambayan ng isa sa mga orgs doon.

Naki-upo ako with my mineral water at snacks. Bumili din pala siya ng snacks so kain kami ng kain. Nakuwento ko sa kanya na may naging instant friend ako sa loob.

“Guess who… si Kuya sa sakayan!”

Kunot-noo siya.

“Sino, yung barker?”

“Sira, yung kausap ko!”

Kunot-noo pa rin siya. “Hindi ba yung barker ang kausap mo kanina?”

“Hindi ah. Baka hindi mo lang nakita, linayasan mo kasi ako.”

Hindi siya kumibo at kumain ulit.

Kako sumama siya sa akin sa loob, hindi naman kako siguro mapapansin na hindi ka naman kasali sa workshop.

Habang nasa labas pa kami, hinahanap ko pa rin si Francis. Gusto ko siyang ipakilala sa husband ko. Pero hindi ko talaga siya makita. Naisip ko baka umuwi na or something came up kaya siya umalis.

So ayun nga, tama ako na hindi mapapansin na hindi kasali ang asawa ko kaya nakapasok kaming parehas.

Dun ulit ako umupo sa aircon, I mean, sa malapit sa aircon.

“Mahina yung aircon nila, ano?”

Napansin ko nga na parang humina, siguro dahil breaktime o baka dahil naramdaman na nila na malamig na.

Fastforward ulit.

Kinabukasan noon, naisipan kong iadd si Francis sa facebook.

Search ako ngayon ng name niya. Tinype ko ang Francis Palao.

Sa info niya (dahil hindi pa kami friends, malamang sa info ang bagsak ko kapag kinlick ko ang pangalan niya at hindi sa timeline), nakalagay doon na he studied sa UPD. Former school niya ang UPLB.

Pero ang gumulantang sa akin, yung timeline niya kung saan nakita ko ang maraming post mula sa iba’t-ibang tao.

Most of the posts were dated 5 days ahead bago yung workshop.

‘RIP tol…’

‘Akala ko ba walang iwanan?’

Scroll ako ng scroll hanggang sa isang post ang nakita kong nakatag lang sa kanya. Binasa ko ang comments at doon ko nalaman na naaksidente pala siya dahil sa motor. Dead on arrival siya.

Hindi ko alam kung matatakot ako. Iniisip ko kasi noon na goodtime lang ang lahat. Pero bakit naman niya ako gu-goodtime-in eh noon lang kami nagkakilala sa workshop?

Hanggang ngayon palaisipan parin sa akin ang lahat. Hindi naman ako nakaramdam ng takot, kasi wala naman siyang ginawa sa akin. Mabait naman siya.

Lately, naisipan kong isearch ulit yung fb account niya pero hindi ko na makita.

Naisip ko tuloy na kaya siguro ako giniginaw noon ay dahil sa kanya. Na baka talagang mahina ang aircon dahil 15 minutes lang naman ang breaktime, bakit ang bilis naman yata humupa ng lamig, hindi ba?

Hindi ko alam. Pero naisip ko rin tuloy yung sinabi niyang hindi niya na magawang magsulat.


 

Leave a Reply