Woman without a Head

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By Christian Paul Betinol

Dec. 23, 2016 10:00 pm, Nangangaroling kami ng mga oras na iyon, ako, kapatid ko, pinsan ko, at mga kaibigan ko. Nasa chrysantemum na kami noon. Mahilig akong manakot, at kinalakihan ko na ito.

Binabagtas na namin noon ang daanan papunta sa malaking tunnel ng Pacita, at madadaanan namin ang abandonadong pabrika.

At tinakot ko naman ang pinsan ko “may babae daw ditong pugot ang ulo at nagpapakita daw ito ng mga ganitong oras” sabi ko sabay turo sa pabrika.

Nang pagkaturo ko doon ay may naaninag akong babae. “bes may babae oh, mga bes its true! Hindi ako nananakot” ani ko habang nakaturo doon.

Nalingat lang ako saglit, at tumingin ulit sa bintang ay nakita namin ng sabay ang isang katawan na walang ulo, nakaputi ito na bestida at tila ba sugatan.

Tumili kaming lahat at nagtakbuhan. Sobrang nangilabot ako ng oras na iyon. Bumigat ng sobra ang paki-ramdam ko. At pagkatapos noon ay umuwi na kami dahil ako ay inaapoy na nang lagnat.

Pagkatapos noon ay hindi na kami dumaan doon ng gabi na o madilim pa.

Leave a Reply