UPCAT

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Kristina Ricario

August 2007. Fourth year high school pa palng ako at hindi sa alin mang UP Campus to naganap but I’m sure connected pa rin to sa pagiging UP student ko, hehehe. 
May workshop noon para sa mga high school journalist para sa buong province ng Batangas. Though selected students lang per school, sobrang dami pa din ng delegates. Sa Taal National High School ang venue.

I’ve never been there before so ‘twas my first time . I’m so excited to meet new friends from other schools and besides ito na yung last year ng pagiging high school ko kaya go lang ng go. It was a 3-day workshop and training, and we’re all required to stay in that campus for the entire time. Pede lumabas pero may permit since they are responsible for us. 

Pagpasok pa lang ng gate, matatanaw mo na yung mga buildings na kakaiba sa school. Malaki yung school actually, and there are lots of new buildings there but makaagaw pansin yung mga rooms na made of woods, mga antiques and alam mong sobrang tanda na nung mga buildings. As one of the faculty member guiding us to our designated quarter, nililibot ng paningin ko lahat ng kaya kong tanawin.

May kakaibang feeling. Ewan, siguro kasi mas maganda school nila sa school namin. And then, suddenly, tada! Andun na kami sa room na pag-stayan namin. 2nd floor yung location namin. Nakalimutan ko yung name ng building but at that time sabi nung faculty member na isa yun sa pinakabagong gawang building dun, kase nirenovate na yung mga nasirang building dun before. 

Pagkababa ng gamit chineck namin yung available folding beds and other things na kelangan namin sa pag-stay dun. Kumpleto. Bale, 3 kaming student from our school sa Laiya and may kasama kaming isang mentor.

May kasama din kaming 4 pa from other school and I don’t know kung bakit di nila kami kinakausap, hehe. Anti-social ata sila kasi puro gadgets hawak nila. Maya-maya pa, may sumutsot habang lahat kami nagpapahinga. Sabay-sabay kaming napatingin sa nakabukas na pinto at mga bintana, pero walang tao. Sa taas ba naman ng place namin, imposible naming may tao sa likod. Nagsalita yung classmate ko. Itago na lang natin siya sa pangalang Mami. 

“Tin, wala ka bang nararamdaman?” tanong ni Mami sakin kasi alam niyang may mga instances na nakakaramdam o nakakakita talaga ko ng multo.
“Mami naman, kadadating lang natin ditto tinatakot mo na ko! Wag mo rin takutin sarili mo!”

Oo, kahit madalas akong magkita o makaramdam madalas nangingibabaw pa din ang takot,and at that time, sobrang kinakabahan na ko kasi iba yung pakiramdam sa classroom, sobrang lamig at parang may nagsasabi saking umalis a kami doon.

1st night, nagrereview ako sa UPCAT, nakahiram ako ng book na reviewer sa isa kong high school teacher given na after na 3-day workshop diretso exam na ko sa UPCAT. Yes, 3 days before UPCAT ako nagreview, hahaha. Enjoy ako sa pagbasa at pagsagot mag-isa habang ang lahat ay mahimbing na natutulog. Mga 1 am na noon, naalala ko pa nung sinilip ko ang oras sa aking cell phone nang walang anu-ano’y may kumalabit sa akin.

Imagine may position sa isang half-folded bed (folding bed kasi gamit namin). Medyo nakaangat yung ulo ko since nagbabasa nga ako, yung parang mga bench na ginagamit sa tabi ng beach. Nagulat ako kase ang unang pumasok ko what the hell, nakasandal yung kama sa may blackboard at natatanaw ko lahat ng kasamahan ko na mahimbing na ang tulog since ako yung nasa dulo.

Bigla akong nagtalukbong ng kumot, nagdasal at kunwari nakatulog na. Hinihintay ko kung anong susunod na mangyayari, eto yung muntik na kong mahulog sa kama, binuksan ko ang ilaw ng phone sa loob ng kumot dahil sa hindi na ko masyadong makahinga sa kaba, and boom, suddenly a shadow appeared above my blanket. Naiiyak na ko sa takot hanggang sa pumikit na lang ulit ako.

Kinabukasan, balisa ako, wala akong pinagsasabihan since ayaw kong manakot, or baka isipin nilang nag-iimagine lang ako, but then sa mga sumunod na nangyari di ko na kinaya. Pumasok ako sa CR, 11am upang labahan ang panyo at medyas ko. Nakasarado yung pinto nung CR, so ako pakanta-kanta pa habang binabanlawan na ang nilabhan. Biglang may bumato sa ulo ko from my back.

Pagtingin ko tissue na binilot. Basa sya kaya mabigat at masakit. Sabi ko “Mami wag mo kong takutin!Hindi ka nakakatuwa, masakit kaya yun! (takot na talaga ko).”

Binuksan ko pinto ng CR, malapit na ko matapos eh, nung palabas na ko, may bumato ulit galing sa taas, mas malaki na this time yung binato kaya mas masakit, noong una tako akong tumingala pero pano ko malalaman kung san nanggaling yun at pano nangyari, kinilabutan ako sa nakita kong babae na may makapal na buhok, nakadikit sa kisame ng CR, hindi ako makasigaw, parang nawala lahat ng boses ko,pagtingin ko pa sa classroom ako langmag-isa.

Wala silang lahat at kumukuha ng lunch. Hindi ko maalala kung ano ginawa ko but the next thing I know, umupo lang ako sa bed at nagbasa ulit habang iniisip kung paano ko kukumbinsihin yung mentor ko na umuwe na. T.T

Pag-akyat nilang lahat, hindi ako makausap ng matino, sabi nung teacher ko kung ano daw problema, mukha daw dinidibdib ko pagreview para sa UPCAT. Nasa math module ako nun ng reviewer, ang tanong na binabasa ko at di ko makalimutan ay kung ang expression na 3 n/2 ay isasalin sa radical form ito ay magiging____.

BIglang may bumulong sa tenga ko ng square root of 3n. Tumulo na ang luha ko, dahil sa takot, sabi ko ma’am uwi nap o ako, di ko nap o kaya ditto sa room na to. Tinanong ako nung mentor ko kung bakit, sabi ko ma’am kasi….. Hind pa ako natatapos ng sasabihin biglang nagsalita ulit yung mentor ko, “Ang lamig ng batok ko, hindi ko alam kung bakit.” Sabi niya.

“Ma’am kasi nakahawak pos a batok niyo ang babaeng nakikita ko”, sagot ko sa kanya sa naginginig na boses. Hindi ko makalimutan ang naging reaksyo ng teacher ko kaya nagdecide kami na umuwe at magcommute na lang kinabukasan. That girl I saw way back there, SO CREEPY. Makapal buhok niya and may dugo sya sa entire face. But thanks for her, nakareview ako ng maayos para sa UPCAT. And here I am. : )

 

Leave a Reply