THE 13TH ROOMMATE

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: D. Ordono

Tumira  ako sa isang dorm nung Kolehiyo.  Malapit ang nasabing dorm  sa ospital kung saan ako pumapasok  para sa aking internship program.  Kasama ko sa isang kuwarto ang 11 pang mga kaklase-babae at lalaki. Tama  labindalawa kami sa kwarto na ‘yun.

I believe that I have  underdeveloped third eye. I often hear eerie things  but never paid much attention to those.  Truth be told,  I don’t want to ever see ghosts-especially the bloodied ones. Pero sa pagtira ko sa  dorm na yun, muling naging liability sa akin ang aking  sensitivity sa mga bagay na paranormal. At sa dorm na iyon,  dun ko napatunayan  na  lapitin nga ako ng multo.  I was haunted by our 13th roommate.

 

THE BLACK SHADOW

Mag-isa  lang ako sa sala noon at  nanonood ng TV. Ang sala ay  nasa ground floor ng dorm, ang aming kwarto ay nasa ikalawang palapag. Ang TV ay nasa malapit sa  hagdanan at makikita ko ang sinumang  bababa o aakyat mula sa aking kinauupuan. I was so engrossed in  what I was  watching when I saw  a shadow,  a very dark shadow, near the stairs. Pinagmamasdan ko pang mabuti ito,  nagtataka ako kung paano  nagkarun ng anino  sa hagdanan ganung wala namang tao dun. Klaro ang detalye ng anino- isa itong babae.

Tumayo ako sa aking  upuan upang lapitan ang anino.    Gusto kong  makita  kung ano ang source nito.  Laking gulat ko nang bigla  itong  kumilos paakyat ng hagdan. Hindi ito normal. “yun ang nasa isip ko. Dali-dali  kong sinundan ang anino,  kaunting  takot na sa dibdib  ko  ngunit pilit kong nilabanan.  Umakyat nga ang anino sa aming palapag at binagtas niya ang  pasilyo.  Hindi ito tumutigil sa pagkilos, ang kaniyang porma ay malinaw kong nakikita  sa pader  ng mga kwarto. Maya-maya pa ay tumigil ito sa  dulo ng hall,  sa mismong tapat ng kuwarto namin! Ilang sandali  ring nanatili lamang sa harap ng silid namin ang anino, parang   nakikiramdaram.  Ako naman  ay parang  napako sa aking  kinatatayuan. Nang lumakad  ako  palapit sa itim na anino,  kumilos din ito.  Pumasok ito sa  aming silid! Nagdadalawang -isip ako kung susundan ko pa rin ito, hindi ko alam  kung ano ang maari kong makita. Ngunit alam kong  mas mahihirapan ako sa kakaisip kung ano ang makita ko kung hindi ko ito kokomprontahin.  Pumasok  ako sa kwarto na may  kaba sa dibdib, iniisip ko na baka  may makita  akong eksenang parang hinango  sa isang bangungot. Ngunit  ang tanging  tumambad sa akin ay ang mga tulog na mga kasama ko sa  kwarto.  Ang silid ay maliwanag dala ng ilaw na nakasindi pa. Walang  anino aking nakita.

 

ANG PAG-IYAK

Ilang linggo pagkatapos  ang pagkakakita ko ng anino, isa na namang insidente ang nangyari na  nagpatibay sa hinala ko  na may ikalabing-tatlo kaming kasama sa silid. Isang madaling araw na ‘yun tahimik  na ang buong  dormitoryo. Bigla  akong nagising sa isang tunog  ng pag-iyak. Noong  una ay nakiramdam lamang ako. Babae ang naririnig  kong  umiiyak. Mula sa aking higaan ay nakikita ko ang aking mga roommate  na babae.  Isip ko,  baka isa sa kanila ang umiiyak. Ngunit mula sa  liwanag na nanggagaling sa hallway, naaaninag ko silang tulog na tulog, payapa. Patuloy  ang pag-iyak na narinig ko.  Parang isang babaeng nakaranas  ng trahedya.  Isa iyong panaghoy.  Nanatili akong hindi kumikilos,  nakikiramdam. May takot akong kumilos  dahil sa naiisip kong kung sino man ang presence na nasa loob ng kwarto namin,  ayaw kong malaman  niyang gising ako. Kung logical ba ang isiping ‘yun  hindi ako sigurado.  Pero isa lang  ang nasisiguro ko ng mga oras na ‘yun nakakatakot ang  makarinig  ka ng panaghoy sa kailaliman ng gabi.  Worse,  parang ako  lang ang nakakarinig ng pag-iyak na ‘yun.

Halos isang oras din akong nakiramdam lamang.  Me hatid na  kilabot ang panaghoy na naririnig  ko sa aming silid.  Nang hindi ko na matiis at nangawit na ako, tumalikod ako at humarap sa pader, hoping that  the wailing would go away.

Pumikit ako at binalak matulog, ngunit sa aking gulat , ang panaghoy  ay parang lumalakas! Napamulagat ako,  malakas ang kaba sa dibdib.  Paano ay nararamdaman ko ang isang presensiya,  malapit sa mukha  ko,  ang panaghoy niya’y malakas sa aking pandinig.  Parang siya’y nasa tabi ko lamang! I even felt her breathing down on me! Ipinikit ko  nang buong diin ang aking mga mata, ayaw kong makita kung anuman  o sino man ang nasa aking tabi.  Ang kilabot ay naglakbay sa aking  katawan.   Ilang imahe ang naglalaro sa aking isipan.  Kung paano ako nakatulog  nang gabing iyon  ay hindi ko na malaman pa. Ang tanging  ebidensiya ng naganap   ng gabing iyon ay ang eyebags sa ilalim  ng aking mata kinabukasan.

 

FACE-TO-FACE ENCOUNTER

Wala ako ma-associate na mukha  sa babaeng nagpapakita at nagpaparinig  sa aming silid.  May mga  kani-kaniya  na ring  kuwento ang aking mga kasama sa bahay ng pagpaparamdam na nangyayari  sa aming  kwarto. Ngunit isang gabi,  nagpakita ang aming  13th housemate. Si Anne, isa sa aming roommates,  ay nakapuwesto malapit sa bintana  sa hallway.  Ang wooden jalousy ng bintana ay bahagya  niyang binuksan  dahil sa maalinsangan ang gabi.  Base sa kaniyang kuwento, me dumaan daw sa hallway,  nakaputi. Iniisip niyang isa itong intern din na pang-umaga. Marahil ay naligo na ito at nag-uniporme na. Ngunit nagtataka siya kung bakit  ito  dumaan sa aming silid. Nasa dulo na kami ng hallway at wala nang  ibang silid na katabi namin.  Pinakiramdaman din ni Anne  ang Paligid, Tahimik. Masyado pang maaga para gumayak ang mga estudyanteng may pasok ng umaga. Nanatiling  nakatingin si Annesa kaniyang bintana. Maya-maya pa  ay nakita na naman niya ang nakaputing imahe.  Babae ito,  Napagtanto niya mula sa kaniyang nakikita sa bintana. Hindi lang niya  naaninag ang mukha nito dahil bahagyang nakatalikod ito sa kanya.

Maya-maya pa ay lumakad papunta sa bintana ang babae.  Dito na  nagsimulang kabahan si Anne. Ginusto niyang  ipikit ang kaniyang mga mata  ngunit hindi niya magawa. Parang  may kung anong puwersang  nagsasabing  titigan niya ang babae. Nananatiling  nakatingin si Anne sa labas ng kaniyang bintana nang bumulaga  ang isang  mukha sa harapan niya.  Isang pares ng mata ang nakita sa pagitan ng jalousy  ng bintana-namumula, malalalim,  nanlilisik.

Sapat na iyon upang sumigaw si Anne na ikinagulat  naming lahat. Hysterical na siya.  Umiiyak at tinuturo ang bintana. Hindi  makapagsalita. Pawisan ito. Lahat  kami ay nataranta at hindi malaman  ang gagawin. Mga isang oras din bago namin napakalma  si Anne. Salitan kaming  nagbantay sa kaniya.  Ayaw niyang  paiwan.  Kinabukasan pa siya nakapagkuwento tungkol sa nakita.  Tatlong araw siyang nilagnat pagkatapos  nun.  At sapat na iyon para maniwala ang lahat sa aming silid- we had a  13th roommates.

Leave a Reply