STUDY DESK

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Lovelle Pangilinan

First sem ng Freshman Year ko, sa Women’s Dorm ako tumira. Lima kaming babae sa kuwarto, isang Senior, isang Junior, at isang Sophomore.

Madalas, kapag tanghalian, nagte-take out lang ako ng pagkain at sa loob ako ng kuwarto namin kumakain mag-isa.

May kanya-kanya kaming study area sa loob ng kuwarto namin at sa aming dalawa ng kasama kong freshman yung dalawang study desk na malapit sa pinto.

Yung tatlong study desks na nakapwesto sa tabi ng malaking bintana at nakaharap sa Men’s Dorm ang sa tatlong roommates ko na nasa higher years.

Doon ako lagi kumakain sa study desk ko pero isang araw naisipan ko na dun kumain sa study desk ng room mate ko na sophomore.

Habang sumusubo ako ng pagkain at nakatingin sa Men’s Dorm, narinig ko ang pinto ng kuwarto namin na bumukas at sumara.

Hindi ko ito pinansin dahil ang nasa isip ko ay roommate ko yung pumasok.

Nakatingin pa rin ako sa Men’s Dorm habang kumakain nang marinig ko na hinila ang isang upuan. Doon na ako nagsalita dahil ang narinig kong paghila ng upuan ay nagmula sa magkatabing study area namin ng roommate kong freshman.

Tinanong ko siya kung na-cancel ang klase niya dahil ang aga niyang bumalik pero wala akong narinig na sagot. Hindi ako nakatiis kaya lumingon ako pero walang roommate akong nakita.

Ako lang mag-isa sa kuwarto. Ramdam ko na may kasama akong hindi nakikita ng mga oras na yun pero nagkibit-balikat na lamang ako at tinapos ang tanghalian ko.


 

Leave a Reply