SPIRIT

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Jelot Pelegrina

Magandang araw!

Dahil Black Saturday ngayun, pumasok sa isip ko na isulat naman yung mga experiences ko about “kamatayan”

I have several weird and not-so-weird experiences about dun nga sa topic.So lahat nung mga natatandaan ko pang stories, dito ko na lang isusulat lahat sa isang post na ito. Hehe. Dahil may lakad ako maya maya.1. “KAPITBAHAY”If i am not mistaken, nangyari tong incident na to when i was a third year high school student.Meron kasi kaming kapitbahay na noon pa ay matagal ng hindi nakakabangon mula sa kanyang higaan. Siguro mga atleast 5 years sya na nasa kama lang.

Alam ng lahat na may sakit sya, TB or lung cancer ata, at sa mga panahong ito, ay alam naman ng lahat na nandun lang sya dahil na rin sa mga kamag anakan nya na nag aalaga sa kanya.Then one morning, between 5:30-6:00 ng umaga, (dahil nga high school student na dapat 7am ay nasa school na)

Nakita ko sya….2 storey yung bahay namin, may balcony kami sa taas na nakaharap sa bahay kung saan sya nakatira. Pumunta ako sa balkonahe para kumuha ng tuwalya dahil doon iyon nakasampay… Around 5:30-6 am, bukang liwayway, sumisikat ang araw. Napaka ganda, iba yung liwanag ng umagang iyon. Napakaganda at malamig lamig ang kapaligiran.

Napansin kong may lalaking nakatayo na tila batang nag papa-araw sa umagang sikat ng araw (healthy un dba? Hehe). At ayun na nga, nakilala ko sya. Sya yung lalaking may matagal ng sakit. Nakita ko yung mukha nya, tinitigan ko pa kasi nga kinikilala kong mabuti… and confirmed sya nga yon. Masaya yung mukha nya, maangas pa din pero nakangiti.

Naligo na ako… Nakapag bihis …. Then pumasok na ko sa school. 4 pm ang out ko sa class nung high school (Pilot section kasi, ehem ehem). So after class, uwi na ulit ako sa bahay (hindi pa masyadong gala nung high school).

At ayun, pauwi na ako sa bahay…. Malapit na akong bumaba ng jeep, tanaw kong may ambulansya sa tapat ng eskinita namin. Mejo masikip ang eskinita sa aming lugar, mga 1 and half to 2 meters wide lang. Nag lalakad na ako papasok ng daang kalabaw.

Mga 30 steps nandon na ako sa gate ng bahay namin, nang matanaw ko ang apat na lalaki na may buhat buhat na stretcher.Nagmamabilis silang mag lakad, siguro mabigat yung binubuhat nila. Hindi ko sila syempre sinalubong, gumilid lang ako. pinauna ko silang makalabas. Dahil curious ako kung sinu ang naaksidente o kung anuman, tinignan ko kung sinu ung binubuhat nila. mejo hindi maayos yung pag kakatabing ng kumot doon sa naka stretcher…

Nakalabas yung binti ng kung sinu man yung binubuhat nila. Buto’t balat… Maitim na yung balat. Mahinang mahina na yung katawan as in super butot balat na literal talaga na parang wala na talagang buhay…So pag kalampas na pagkalampas nila, nagmadali ako pauwi ng aming bahay. At dumerecho ako kay nanay para itanong kung ainu naka stretcher. At iyon nga, confirmed, deads na yung lalaking may sakit.

So hindi ako makapaniwala dahil nga nakita ko sya nung umaga na maayos na yung katawan nya at mukang wala ng sakit at nakita ko rin yung butot balat na binubuhat sa stretcher.

Ikinuwento ko sa nanay ko yung nangyari nung umaga. Na nakita ko pa itong si guy na ok na. Ang sabi lang ni mother, spirit na lang daw yung nakita ko….

Leave a Reply