Si Lola

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Maria Theresa Viador Palomo

Si Mariel ay pauwi na nanggaling kasi sya sa bahay ng friend nya eh yung bahay ng friend nya ay medyo pa probinsya narin… Gabing gabi narin ng mga oras na iyon at wala naring masakyan si Mariel kaya sa ayaw at sa gusto nya napilitan syang mag lakad.

Hanggang sa makakita siya ng Waiting shed agad syang umupo doon lumingon sya sa kaliwa nya hindi nya napansin na may matanda palang nakaupo don at kanina pa pala ito nandoon bago pa sya umupo so kinausap nya yung matanda.

sabi nya….

Mariel: Lola magandang gabi po… saan po ba kayo umuuwi?

Hindi sumagot yung matanda at tinignan lang sya neto at wala ka manlang makikitang reaksyon sa mukha ng matanda.
nagtanong ulit sya..

sabi nya…

Mariel: Ahhhmmm lola wala po ba talagang masyadong dumadaan na sasakyan dito pag ganitong oras?

at ganon nanaman yung nangyari hindi nanaman siya sinagot ng matanda. Nabad trip si Mariel kaya nag earphone nalang sya at nag soundtrip sa cellphone nya..

Maya maya pa ay may tumabi kay Mariel na lalaki at tinutukan siya ng balisong sa tagiliran pinilit siya nitong ibigay yung kanyang cellphone at wallet. Sa takot ni Mariel niyakap nya yung lola at sabi nya sa lalaki “Sige kunin mo na yung cellphone at wallet ko pero wag mo na kaming saktan ni lola maawa ka po sa amin.

Wala paring reaksyon yung matanda at buti nalang may tumigil na bus sa harap nila at sabi ng driver “Sasakay po ba kayo? huling byahe na ito” Hindi na nakuha ng lalaki yung cellphone at wallet ni Mariel. Agad na sumakay si Mariel sa bus at ayaw ng matanda sumakay kaya pinabayaan nalang niya ito.

Nang makasakay na si Mariel agad syang tumingin sa bintana at umandar narin papaalis yung bus. Nagulat si Mariel kasi yung matanda nag bago nang anyo hinubad nya yung balat nya at dun nakita ni Mariel ang tunay na anyo ng matanda naging halimaw at kinain nya yung lalaki ng buong buo tanging sapatos nalang ang sinuka ng matanda at bigla itong tumingin kay Mariel at ngumiti at nag paalam…

 

Leave a Reply