SCARECROW

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

Ano ang gagawin mo kapag nakatagpo ka ng isang baliw at rebeldeng  espiritu?

Buwan ng Oktubre. Sa isang baryo sa Gitnang Luzon, makikita si  Mang Erning na maagang naglalakad papunta sa bukid.  Hindi sukat  akalain  ng matandang  magsasaka na makikita na naman niya ang mga  pananim na sira-sira. Halatang  pinuksa na naman ang mga ibon  ang  palayan.  Napa-iling  na lang si Mang Erning. Mahirap talaga magsaka  sa bukid.  Kung malalasin, may ulan at baha na talaga namang sisira sa  mga pananim.  Suwertihan din kung minsan ang makakuha ng  magandang ani. Malaki na ang kapital,  nakakapagod pa ang magsaka.

Alam ni Mang Erning kung paano aagapan ang mga sumisira  sa mga pananim niya.  Kapag mga peste, insecticide ang katapat at kung ibon, kailangang maglagay  na siya  ng panakot. Kailangan  magtusok siya ng isang balyan o scarecrow sa gitna ng bukirin para bugawin ang mga ibon.

Agad na gumawa  si Mang Erning ng scarecrow sa likod ng  bahay nila.

“Ano ba yan, Erning?”  tanong ni Aling Ine,  ang maybahay ni Mang Erning.

“Balyan, scarecrow. Sinira na naman ng mga ibon ‘yung mga palay, sa gitna ng bukid eh. Dapat pala,  inagahan kong maglagay nito. Marami-rami rin ang nasira ng mga ibon,” sagot ng matanda.

“Bakit  nga ba hindi mo kasi inagapan? Pero mamaya na ‘yan.

Kumain muna tayo. Nakahanda na ang almusal.”

“Sige,  malapit na din namang matapos ‘to,  sabi ni Mang Erning Habang kumakain ang mag-asawa, nagising na rin ang dalawang nilang anak na sina Carlos at Bernard.  Sumalo sa almusal ang dalawang binata.

“Hoy Carlos, pakialis mga nga ‘yung mga tumutulong damo sa likod  ng bahay.   Mukhang napapabayaan  na naman.  Baka pamahayan  na ng  mga ahas ‘ yon.” Utos ni Mang Erning sa panganay na anak.

“Ikaw naman Bernard, tulungan mo ang Nanay mo mamaya na  kumuha ng Indian mango sa bakanteng lote natin.  Maganda  ang bentahan ng mangga ngayon,” hiling na rin ni Mang Erning sa bunsong anak.

Tumango lang ang dalawang anak.

Bumalik si Mang Erning  sa bukid  upang gawin  ang scarecrow. Habang nagtatrabaho, may napansin  siyang gumagalaw sa palayan.  Hindi rin mawari kung tao o hayop iyon.  Hawak-hawak niya ang  kanyang itak dahan-dahan siyang  humakbang  papalapit sa lugar kung saan may napansin siyang gumagalaw kanina.

Laking gulat ni Mang Erning nang matuklasang wala namang  hayop o tao sa palayan.  Mula sa lugar na kinatatayuan n’ya, napatingin  siya sa malayo.

Nakita niya ang sementeryo ng baryo na siyang tutukbukin kapag nilakad nang diretso ang kinatatayuan n’ya.

“Malapit na nga pala ang Todos Los Santos.  Dapat palang mapalinis  na ang puntod ng Tatang at ni Inang sa dalawang bata,” bulong ni Mang Erning sa sarili.

Ganoon na lamang  ang kilabot ni Mang  Erning nang bumalik  siya sa lugar kung saan ginagawa niya ang  scarecrow.

Bakit nga hindi siya nakakaramdam ng kilabot?

Nakapwesto na mismo ang scarecrow sa gitna  ng palayan! Nakatusok  na ang suporta nito sa lupa,  Bagay na hindi niya  maipaliwanag!

Gusto niyang paniwalain ang sarili na baka naman  naitusok na  niya ito bago pa siya lumapit sa palayan na akala niyang may tao. Lumingon siya sa  paligid.  Wala naman siyang nakita maliban sa   mga palay na malayang sumasayaw dahil sa  malakas na ihip ng hangin.

Sa edad niyang iyon, maski minsan ay hindi niya nagawang maniwala sa kuwentong  multo at espiritu na pagala-gala pa rin sa mundo ng mga buhay, lalo pa’t iisiping malapit na  ang Araw ng mga patay.

Mabilis na naglaro ang mga bagay sa kanyang imahinasyon.  Tumayo ang mga balahibo niya sa batok, habang patuloy na  umiihip  nang malakas ang hangin. Siya lamang  ang tao sa bukid  ng mga oras na  ‘yon, pero ramdam niya ang presensya  ng ibang nilalang sa paligid niya.

Para bang may mga mata na  nagmamasid sa kanya mula sa palayan.  Hingal na hingal siyang makabalik sa bahay. Agad niyang sinasabi sa asawa ang nangyari kanina.

“Totoo ang sinasabi ko. Talagang nakatusok  na ang scarecrow sa lupa ng balikan ko?”

“Sigurado ka ba, Erning?  Baka naman sobrang pagod ka lang.” sabi ni Aling Ine na hindi makapaniwala sa narinig.

“Paano ako mapapagod eh ang aga-aga pa. Araw-araw naman akong nagtatrabaho ng ganito. Alam ko kung anong oras napapagod at alam kung kelan  hindi.  Isa pa, talagang ako lang ang  tao sa bukid kanina.  Nalingat lang akong sandali, pero nang bumalik ako, may nagbaon na ng balyan  sa lupa!”

“O sige. Mabuti pa, isama mo ako sa bukid para maniwala ako sa iyo,” hiling ni Aling  Ine.

Sumama nga siya kay Mang  Erning  patungong bukid.

Halos panawan  ng ulirat ang lalaking magsasaka dahil pagbalik  nila sa lugar na kinatatayuan ng scarecrow, nakahiga  pa rin ito.  Ni  walang  tanda na binungkal ang lupa na pinagtusukan nito kanina!

“Diyos ko! Paano nangyari ito?” Gulat na gulat si Mang Erning.

“Nakita mo na, Erning?  Ano bang kalokohan ‘yung  pinagsasabi  mo kanina? Eh hayan ‘yung  panakot  mo at nag-hihintay na itusok  mo na mismo sa lupa!” tahasang sinabi ni Aling Ine sa asawa.

Nang araw din na yon, dala  nang matinding  kalituhan  at takot,  nagdesisyon si Mang Erning.  Sinindihan niya ang scarecrow sa bukid.  Nang matiyak niyang  natutupok na ito  ng apoy,  tumalikod  na siya at umalis.

Subalit  ilang hakbang pa lang ang layo  niya nang makarinig siya ng isang malakas na halakhak galing  sa isang lalaki.  Sa takot,  mabilis  siyang  tumakbo  patungong bahay.

Lumipas  ang mga araw hanggang sa dumating ang Araw ng mga patay. Maagang nagpunta ang mag-anak sa sementeryo  para mag-alay ng bulaklak  at ng  panalangin sa mga yumaong kamag-anak.

Hapon na nang makauwi sa bahay nila ang pamilya ni Mang Erning.  Pagkatapos maghapunan nagpahinga na silang lahat.

Alas-11 na ng gabi. Naalimpungatan sa pagkakatulog si Mang  Erning.  May naririnig kasi siyang kaluskos na nanggagaling sa harapan ng kanilang bahay.  Bumangon siya at nagising na rin si  Aling Ine. ” Sa’n ka pupunta, Erning at dala-dala mo pa ‘iyang itak mo?” tanong  ng babae sa asawa.

“May tao yata sa labas eh.  Titingnan ko lang,”  sagot ni Mang Erning.

Bumangon na rin si Aling Ine. Halatang-halata ang pakabalisa  nito. “mag-ingat ka Erning,” paalala ng asawa.

Dahan-dahan binuksan ni Mang Erning ang bintana. Ang tumambad sa kanyang harapan ay dili-iba kundi ang scarecrow na  kanyang  sinunog ilang araw na ang nakakaraan! Buhay na buhay ito!   Naglalagablad ang mga mata sa galit!

Napatitig si Mang Erning sa mukha ng scarecrow. Nanlaki  ang mga mata niya sa sobrang sindak.  Tukop niya ang dibdib at halatang  nakaramdam nang matinding  kahirapan  sa paghinga. Nag-collapse si mang Erning! Dilat ang mata….

“Erning!” Malakas na sigaw ni Aling Ine habang papalapit sa asawa.  Inatake sa puso si Mang Erning at tuluyan na ngang pumanaw.

Isasara na ni Aling Ine ang bintana nang makita rin niya ang  nagbabagang mata ng scarecrow.

Kung ano ang nangyari kay Mang  Erning, ganoon din ang siyang  sinapit ng kawawang si Aling Ine. Patay na ang mag-asawa. Nagising  ang magkapatid  sa sigaw ni Aling Ine.

Napatitig din si Bernard sa bintana. Patay ang binata.

Si Carlos na lang ang natitira.  Hindi niya lubos na maintindihan ang dahilan ng kalunus-lunos na kapalarang  sinapit ng kanyang mga magulang at kapatid na binawian ng buhay sa loob lang ng ilang minuto

Nakita niya ang nagbabagang mata ng scarecrow. May  sungay na ito at may buntot. Hinihintay niyang mawala na rin  ang malay niya gaya ng sinapit ng kanyang pamilya, pero walang nangyari sa kanya…. Nagsalita ang scarecrow….

“BABALIKAN KITA SA SUSUNOD NA UNDAS!”

Leave a Reply