PUNO

Ad Blocker Detected

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker.

By: Sai Casvellana

Naalala ko nung mga time na sobrang adventurous naming magkakaibigan. Muntik na naming iyon ikapahamak. Nasa Forestry area kami noon at kakabili lang ng bisikleta na may sidecar nang isa kong kaibigan. Tamang bike trip kami.

Medyo rugged pa ang terrain tapos salitan kami sa pagpapakdyak ng nasabing bike. Napagkasunduan namin na pumunta doon sa tatlong maliit na puno ng balete dahil nakakarinig nga kami ng mga malulupit na kwento doon.

Hindi pa kami nakakarating e halos nagkakatakutan na talaga kami. Pataasan ng Pride and Courage kung baga para mapatunayan mong tunay na lalake ka. Nalagpasan namin ang tatlong pulutong ng puno na wala namang nangyari. Tawanan kami ng tawanan ng biglang may kakaiba kaming napansin.

Yung tangkay ng puno ng balete ay parang dahan-dahan na tinutubuan ng niyog sa tagiliran. Tiningnan namin itong maigi kasi akala namin na hayop lang na nakakapit sa puno. Nagulat na lang kami ng biglang may lumabas na dalawang kamay at sa pamamagitan ng buhok ng balete e hinahatak niya palabas ang kanyang katawan.

Nagbike na kami palayo ng tuluyan nang makalabas ang nilalang sa puno. Napakaitim niya at mahaba ang kamay. Hindi namin makita ang kanyang mata pero nakatingin siya sa grupo namin. Dahan dahan siyang gumagapang papunta sa amin.

Todo pedal ako ng bigla pumikwas ang kadena, laglag pati ang tapakan ng batalya. Sinabi ko sa mga kasama ko na nasiraan tayo at itulak na lang palayo ang bisikleta. Ginawa namin ito at naiwanan naman namin ang maitim na bagay na iyon. Hindi na naming ito inulit muli.

Binalikan namin ang nasabing mga puno ng mga binata na kami. Lumaki din kahit papaano ang mga ito. Tinesting naming pumasok sa loob. Masukal dahil marami na ding nakalambitin na buhok ng balete. May unusual na amoy sa loob nito.

Alam ba ninyo yung tipong nasa kusina kayo pero may naaamoy kayong nagsasangag ng sibuyas, bawang at kamatis. Ganoon ang amoy niya. Pero malayo naman ang canteen o kahit anong bahay nung time na iyon don.

Tinesting din namin na gumawa ng bonfire sa tagiliran ng puno. Lumakas din yung apoy pero tila may manok na kumakalahig sa gitna ng baga na dahilan ng paglipad ng nagbabagang uling malapit sa amin. Kinakailangan naming lumayo para maiwasang mapaso shempre.

Ilang years na ang nakalipas. Hindi na ako nakabalik diyan. Sa tingin niyo. Buhay paba tong puno na sinasabi ko?

 

 

Leave a Reply